Good morning mobile legends! Hahaha. Yung ML talaga yung binati eh no.
Pagkagising ko, sinabayan ko muna ng breakfast ang aking mahal na lola. At syempre, gumawa ng gawaing bahay, hugas ng pinagkainan, pinaglutuan, walis ng kalat, ligpit ng kalat. Ganyan dapat tayo bago mag cellphone guys, kasi pagagalitan tayo hahahaha. Akala mo talaga eh no.
So after ng lahat, cellphone na meeeeee!
Checked muna ng mga social media apps, umaasang may magchat kahit puro group chat ang laman ng mga inboxes ko. Haaaaay. Kailan ba ako magkakajowa! Yung magcchat sa akin ng good morning mahal, kumain ka na ha, i miss you hahaha charing, tagal ko na rin kasing walang jowa, nakakamiss din pala yung may lumalabing sayo, at nakakamiss na rin makipag away.
Joseph Legazpi added you on Facebook.
Oh, sya na nga to. So inaccept ko naman yung friend request nya. At dahil andito na rin lang tayo sa facebook app, inistalk ko muna profile nya. Wala lang! Gusto ko lang.
Ay, In a relationship sya. Hmm, ano kaya itsura ng girlfriend nito?
Scroll ako ng scroll, pero ni isa walang picture ng babae. Featured photo naman nya sarili nya at familya nya ata, tsaka friends. Ba yan. Sarap pa naman mag stalk ng mga ganyan.
Pero in fairness ang gwapo nya ha. Kamukha nya si Alden Richards, so Joseph, ako na ba ang Maine Mendoza ng buhay mo? Charing, may jowa yung tao enebe. Kakascroll ko, na accidentally liked ko yung isa sa mga picture nya which is 4 months ago na. Omg! Inunlike ko agad mga baks, baka mag notif na sa kanya. Nakakahiya! Malaman pa nyang inistalk ko sya!
So clinose ko na yung app, Twitter naman tayo, tignan natin ano ang trending at stalk na rin natin Ex natin, charot.
Uy good morning hahaha
Ay may nagchat? Nice, very nice.
Teka, si Joseph?
Nag pop-up yung chat head ng messenger at pagkaopen ko naman, typing si tanga, char.
Kailan pa kita naging likers 4 months ago hahaha
Halaaaaa, nag notif agad sa kanila! Ang lakas naman ng internet nito nareceive nya agad yung notif ng pag like ko.
Typing sya ulit.
Stalker ha, hmmm
So bago pa sya magsalita ng kung ano ano, sumagot na ako.
Ha? Sinasabi mo? Who you?
Who you muna tayo mga baks, patay malisya haha. Baka makalusot.
Kagabi sabi mo lang hindi ka nag aaccept ng hindi mo kilala, so you already know me "alarmclock"
Oo na, buttercup tsk. Ano napachat ka aga aga ano papabuhat ka na ba ulit sa ml ha
Hahahahaha
Hahazoned tayo mga sis. Seen na lang natin para tayo ang panalo haha.
So tinatamad pa ako mag ml.
Nag youtube na lang muna ako, nood ng mga vlogs. Shoutout nga pala kay Charles and Alyssa forever ang favorite vloggers ko hihi.
Nong wala na akong mapanood sa videos nila since napanood ko na lahat, sa tiktok naman ako manonood. Installed lang bhe pero hindi sasayaw enebe.
After couple of minutes, may ginaya akong sayaw. Sabi sa inyo eh hindi ako sasayaw hahaha.
Ang boring ng buhay ko no? Puro cellphone, hindi kagaya ng mga napapanood ko na parang never sila humawak ng cellphone at nag facebook hahaha.
Ayun na nga, ginaya ko yung isang sayaw at minyday ko sa facebook. Wala lang, tamang paimpress kay crush hahaha pag viniew na nya idedelete ko na. Well, sya lang naman gusto kong mag view eh! Bakit ba.
After 1 min, oo isang minuto palang nakakalipas may nag react na, di lang react mga besh, chats pa.
Ang hot naman, bebe namin yan!!!
Ay pak! Sana all magaling sumayaw!
And then blah blah blah, mga friends ko lang pala, syempre sa GC nila ako pinag pyestahan kesyo bored na ako at kailangan ko na ng boyfriend, well tama kayo mga sis.
Ay tiktokerist ka na mella?
Mella, short for Maria Estella. Yan ang tawag sa akin ng crush ko. Sya lang pwedeng tumawag sa akin nyan!
Haha, hindi ah, triny ko lang, bored na kasi ako, miss na kita
Oo nilalandi ko yan, aba desperado na ako mga sis hahahaha. Charing. Ganyan lang talaga kami mag lambingan ng bebe ko.
Miss na rin kita
Yieeee, bakit kasi hindi na lang ako jinowa neto eh
Miss ng asarin
Pahabol pang asarin, hmp, bahala ka dyan suyuin mo ko. Lah suyuin daw? Haha.
Bala ka dyan bebe tampo na ko, suyo mo na ko dali
Hihi tamang landi lang kay crush.
Sorry na kasi mahal, bati na kami nyan yiee
Hanggang ganyan lang pala.
Hahahahahaha
Ayan eh, may hahahahaha sa dulo.
Di ko na sineen, nakakainis lang kasi. Tagal na naming ganyan di man lang ma fall sa akin. Puro sabat at banat lang sa mga sinasabi ko.
Ano ba yan, wag mo naman sirain umaga ko
What the eff?
Nagchat na naman ang buttercup na to.
Problema mo buttercup?
Laro na kasi tayo, alarmclock. Arte mo, kala mo naman di ka nagpapabuhat
Fine, tutal wala na naman akong magawa ngayong araw, naglaro na nga ulit kami ni Joseph.
-
After ng... siguro mga 10 games? Nag-usap muna kami sa messenger. Bale, tumawag sya.
Joseph: Hello?
Me: Oh hello?
Joseph: Nakakainis lang kasi nakailang laro tayo, lahat talo!Uy teka kalma, sa akin mo ibubuhos inis mo?
Me: Hayaan mo na, di naman palaging panalo eh.
Joseph: Pero ang galing mo ha, kung hindi ako yung MVP, ikaw naman.
Me: Well, sabi ko naman sayo, ikaw bubuhatin ko.
Joseph: Aba talaga lang ha. Hahahahaha.
Me: Tawa ka dyan. Adik ka?
Joseph: Di naman. Bored lang. Kakagawa ko lang ng account simula nong nagstart ang ECQ.
Me: Ay weh? Ako rin eh. Resulta ng boredom.
Joseph: Okay lang tinawagan kita? Wala kasing makausap. Ako lang nasa bahay.
Me: Okay lang naman, ako lola ko lang kasama ko eh, wala rin halos makausap.
Joseph: Bakit naman? I mean yung boyfriend mo...Ay ang fast mo doon ha, boyfriend ko? Hihi, sana nga meron eh.
Me: Sana nga may magalit eh. Hahahaha. Char.
Joseph: Huh?Nagjoke ako. Tumawa ka naman. Corny mo hmp.
Me: Wala, ikaw yung girlfriend mo? Bakit di mo kausap? Busy ba sya? Isa ba sya sa frontliners?
Joseph: Ah oo, busy sya.
Me: Busy lang sya, may kinakausap ka ng iba. Alam mo naman, alam naman natin, magagalit at magagalit ang mga girlfriend pag nalaman nilang may kausap na iba ang boyfriend nila no. Ano ba.Ganon din ako dati eh, naiinis ako sa tuwing may kausap na ibang babae si Ex. Paano ba naman kasi, nakikipag late night talks sa iba. But that was on the past, 2 years na nakalipas, move on tayo Estella, move on.
Joseph: Ang mama ko magseselos? Hahahahaha.
Me: Huh? Mama mo?Ano daaaaw? Mama nya? Gulo nito kausap. Girlfriend ang tinatanong ko, mama naman nya binanggit nya.