Pangalawang Kabanata

862 1 0
                                    

Pangalawang kabanata

Hindi inaasahan

Hapon na ng matapos kong kalkyulahin ang mga papel sa accounting ng mga Gr.9 na inutos sakin ni Ma'am. Asuncion, sya ay guro namin sa History, nakakabagot na subject iyon ngunit para sa mga kaklase kong lalaki ay nakakabuhay iyon dahil si Ma'am. Asuncion ang nagtuturo,

Mahaba at alon alon ang buhok nito, may mahahaba at makakapal na pilikmata, matangos ang ilong at maganda din ang kurba ng katawan, kaya't di maiiwasang marami ang nagkaka gusto sa kanya,

Inutos nya sa akin kanina na tapusin ang pag checheck sa mga papel dahil may aasikasuhin pa daw sya sa opisina, hindi naman ako maka tanggi dahil scholar ako sa school at wala akong karapatang umangal sa pina gagawa ng guro,

Sumakit ang balakang ko sa haba ng oras kong naka upo, tumayo na ako at nag inat inat, napa dako ang tingin ko sa labas, medyo dumidilim na at wala naring estudyante ang dumadaan,

Binitbit ko ang papel at nag lakad na palabas ng silid, marahan kong sinara ang pinto at tinahak ang tahimik na pasilyo,

Napadaan ako sa faculty, sarado na ito at wala ng tao, hindi doon ang pakay ko kundi sa ikalawang palapag ng gusali kung saan naroroon ang opisina ng mga gurong may mataas na posisyon,

Patay na ang lahat ng ilaw kaya't medyo nakaka takot ang maglakad doon,

Tinungo ko ang ikatatlong koridor, nakahilera ang mga silid ng senior highschool, napag pasyahan kong dito na tapusin ang pag aaral, alam kong maganda ang oportunidad sa maynila kaso nga lang ay wala akong matitirhan doon kaya't mas minabuti kong dito nalang mag aral sa probinsya ng Isabela,

Mabagal lamang ang paglalakad ko dahil madilim na at baka matisod pa ako, rinig na rinig ko ang bawat pag lapat ng sapatos ko sa semento,

Nakaka bingi ang katahimikan sa paligid, walang ni isang anino ng estudyante ang makikita doon,

Mas lalong bumagal ang paglakad ko ng marating ko na ang opisina, medyo bukas ang pinto roon, marahil meron pang tao,

Kakatok na sana ako sa pintuan ng may marinig ako kaluslos,

Gumapang ang kaba sa dibdib ko, napalinga linga ako sa magkabilang gilid ko,

Tahimik at walang tao,

Kumabog ang dibdib ko sa takot, eto yung mga napapanood ko sa mga nakakatakot na pelikula, baka may nag paparamdam na multo,

Upang malaman ang haka haka ko ay matapang akong sumilip sa uwang ng pintuan,

Nanlaki ang mata ko at dumoble ang tibok na puso ko,

Para akong na estatwa sa kinalalagyan ko ng makitang nakapatong ang walang blouse na si Ma'am. Asuncion kay Mr. Alcapalras habang nagpapalitan ng mga maiinit na halik,

Hindi ko mapagtanto ang gagawin, nanigas ako sa pwesto ko at pilit pinoproseso sa utak ang nakita,

Halos mawalan ako ng dugo ng mahagip ni Mr. Alcapalras ang mata ko, bahagya nyang naitulak si Ma'am. Asuncion kaya't naputol ang ginagawa nila,

Mabilis akong umatras at tumakbo papalayo doon, magaan lamang ang bawat pag hakbang ko upang walang marinig na tunog mula sa sapatos ko,

Napahawak ako sa pader dahil sa hingal at pag kabog ng dibdib ko,

Hindi parin maalis sa isip ko ang nasilayan kanina, hinawi ko ang pawis sa noo ko,

Pinipilit kong huminga ng maayos para makalma ang sarili,

Nabunutan ako ng tinik ng tuluyan ng makalabas ng paaralan,

Hindi parin humuhupa ang kaba ko sa nakita at hindi padin nawawala sa isip ko ang imahe nilang dalawa na ginagawa iyon, parang pumapait ang sikmura ko,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parausan R-18 (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon