Unang kabanata
Malisya
Naka yuko ako habang humahagulgol, pinipilit kong huminga ng maayos ngunit nahihirapan ako,
Bukod sa basang basa ako dahil sa binuhos nilang tubig sakin ay naka kumpol din ang grupo ng babaeng matalim ang titig sakin,
"H-hindi ko a-alam..." Pilit kong paliwanag kahit hirap na hirap na ako sa pag sasalita,
"Hindi mo alam!?, Napahamak kami dahil sayo!" Sigaw ng isang babae,
"Napaka damot mo naman Erry! Sinumbong mo pa talaga kami kay Mr. Alcapalras!" Sigaw pa nya ulit,
Umiiling lang ako dahil di na ako makapag salita ng maayos,
Mahapdi ang braso ko dahil sa mga kalmot at masakit naman ang ulo ko dahil sa mga sabunot na napala ko sa kanila,
*Pak!
Isang malakas na sampal muli ang natamo ko, manhid na manhid na ang pisngi ko dahil sa mga kagagawan nila,
Kanina ko pa gustong tumakbo ngunit patuloy nila akong binabagsak,
Kanina parin ako sigaw ng sigaw ngunit paos na paos na ako at wala na akong lakas para kumilos pa,
Tanging pag luha nalang ang nagagawa ko at pag yuko,
"Yan ang nararapat sayo!" Galit na galit nyang sigaw sakin,
Nahihilo na ako at hirap na hirap na akong huminga,
Pakiramdam ko sa anumang oras ay babagsak na ako,
Patuloy ang pagsikip ng dibdib ko at pag dilim ng paningin,
Mga ilang segundo pa ay wala na akong maramdaman at tuluyan ng nawalan ng diwa.
Minulat ko ang mata ko,
Nasa komportableng posisyon ako, una kong nakita ang ilaw mula sa kesame, sunod ang puting dingding sa paligid,
Pinaling ko ang ulo ko, nasa clinic ako sa school,
Biglang may humawi sa kurtinang nasa gilid ko,
Naabutan ko si Mr. Alcapalras na nakatingin sakin, naaawa sya sa kalagayan ko,
Kumilos ako para umupo ngunit pinigilan nya ako,
"Mahiga ka muna" mahinahon nyang saad,
Halo halo ang iniisip ko ngayon,
Paano ako napunta dito, nasaan na ang grupo ng mga babaeng inaabuso ako kani kanina lamang,
"May asthma ka pala, buti nalang at nadala ka kaagad dito sa clinic" halong inis at pagaalala ang tono nya,
"Pasensya na po" malungkot kong saad,
Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi ngunit pakiramdam ko kailangan ko iyong sabihin,
"Wala kang dapat ipag pasensya, ipinatawag na ang mga magulang ng mga babaeng nang harass sayo at bibigyan sila kaparusahan" madiin ang tono nya,
Nakita ko ang pag galaw ng panga nya, parang pinag dikit nya ng mariin ang bagang nya kaya gumalaw ito,
"Salamat po" hindi ko alam kung matutuwa ako sa balita nya o matatakot, dahil baka mas lalo akong pag initan ng mga babaeng iyon,
Nakatingin lang sya sakin at parang sinusuri ako, umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko mahihimatay ulit ako sa titig nya,
Mabilis ang naging pag tibok ng puso ko dahil siguro sa kaba,
"Baka lalo nila akong pag initan" naibulalas ko nalang bigla,