"O,anak pakidala nga ito kina Ninang Marly mo,"utos sa kanya ng inang si Bernadette.Iniabot nito sa kanya ang nakabalot na homemade cookies,Ito mismo ang gumawa non at sa tuwing gumagawa ito ng ganun ay hindi pwedeng hindi nito iyon i-share sa Ninang Marly niya na matalik nitong kaibigan.Ganoon din naman ang Ninang Marly niya sa kanila.'pag nagbebake ito ng cake,nagse-share ang mga ito sa kanila dahil alam nitong paborito niya ang mga cakes and pastries na gawa nito.
At dahil hilig ng dalawa ang pagbebake ay nagtayo ang mga ito ng bakeshop and coffeshop combined.Malakas naman ang kita kaya itinuloy-tuloy na ng mga ito.Ang sabi kasi ng mga ito na pag hindi daw magki-click ang bakeshop/coffeshop ng mga ito ay hindi na nila itutuloy iyon.So far,maganda naman ang takbo niyon.Masarap magbake ang mga ito kaya siguro binabalikbalikan at tinatangkilik ng mga parokyano ng mga ito.
Limang bahay ang agwat ng bahay nila sa bahay ng Ninang Marly at Ninong Rafael niya.Anak ng mga ito ang taong kinaiinisan niya dahil mahilig itong mang-asar o mang-inis--si Kyle Torres.
Ewan niya kung bakit paborito nitong inisin o asarin siya sa tuwing magkikita sila eh sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang kasalanan dito.Actually,ito nga lanng ang hindi niya kasundo sa pamilya Torres dahil kasundung-kasundo niya ang dalawa pang anak ng Ninang Marly niya na sina Kirk at ate ng mga itong di Kylie.
"Nikki,ba't di ka pa tumatayo diyan?"untag sa kanya ng mama niya nang makitang di pa siya tumatayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
Padabog na tumayos siya at pabagsak na binitawan ang binabasang songbook.Sumimangot pa siya bago nilapitan ang ina at inabot mula dito ang cookies.
"O,bakit nakasimangot ka diyang bata ka?"
"Ma,alam mo namang ayaw na ayaw kong pumupunta sa bahay nina Ninang dahil may nakatirang bakulaw dun!Baka mamaa makita ko pa ang unggoy na 'yon,"parang batang sambot niya.
Totoo iyon,madalang siyang pumunta sa bahay ng Ninang at Ninong niya.Tuwing may mahahalagang okasyon lang.
"Ikaw talagang bata ka.trese anyos ka na'y ganyan ka pa rin.Dapat matuto kang pagpasensyahan na lang si Kyle.Nasa second year high school ka na,hija.Di ka pa rin ba nakakamove-on sa pambubully niya noon sa'yo?"
"Ma, naman eh.Pano ako makakamove-on kung hanggang ngayon eh ganun ang ginagawa niya sa tuwing nagtatagpo ang landas namin?"
"hay naku---"
"Ma,manenermon na naman ba kayo?"
"Anak dapat magkaayos na kayo.Pumayag kami ng dad mo na sa ibang eskwelahan ka pag-aralin at hindi sa paaralang pinapasukan ni Kyle----"
"Whatever,ma."Bumuntung-hininga siya at pinaikot pa ang mga mata."Bakit di niyo na lang po iutos sa mga katulong ang pagdadala nito?"
"Ikaw nga ang gusto kong magdala niyan.O ,lakad na.Sige na,"at itinulak siya hanggang sa pintuan.Napipilitang naglakad na siya patungo sa bahay ng Ninang at Ninong niya hoping and praying na wala dun ang 'unggoy'.
"WOW!para sa akin ba iyan?"salubong ni Kyle kay Nikki.Pagpasok na pagpasok pa lang niyasa may pintuan ay sinalubong na siya ng 'unggoy'.
Nakangiti pa ito ng maluwang habang nakatingin sa hawak niyang nakatupperware na cookies.
Inirapan lang niya ito at lumapit sa kinaroroonan ng kuya nitong si Kirk na nooy nakaupo sa sofa at nagbabasa ng medical books.Nasa 4th year na ito ng kurso nitong veterinary medicine.Limang taon ang tanda nito sa kanya kaya 18 years old na ito.He was as good-looking as his father.
"Sina Ninang?"
naupo na rin siya sa tabi nito at bahagyang sinilip ang binabasa nito.Itiniklop nman nito iyon at tumingin sa dala niya.
BINABASA MO ANG
I married my BEASTFRIEND![Ad Infinitum(Endlessly)]
RomanceJesha and Kyle we're like oil and water.Hindi sila pwedeng pagsamahin sa iisang lugar dahil aasahan na ang sigawan,hampasan,habulan, o di kaya ay pikunan o asaran.Kyle,ang nang-aasar at si Jesha ang naaasar. But what would happen if on the day of t...