Chapter 1

39 0 0
                                    

Simula

"Deam Mueller tumira ng tres pasok"

Naghiyawan ang mga tao sa paligid, kayat mas lalo akung ginaganahan tournament ngayon ng women basketball kasalukuyan kaming nasa Rawson university para makipaglaro.

"Booooo! Rawson"

"Goooo Harris !

Ang Harris university ay mahigpit na kalaban ng aming campus pagdating sa athletic events.

Captain ball ako ng women basketball, representative kami ng Rawson university, mas naging mabangis ang labanan marumi maglaro ang mga harris university.

Pinasadahan ko ng tingin ang orasan 2 minutes left 4th quarter na, kanina pa kami naglalaro kaya pagod na din ako at pawis na pawis kaya mabilis ishinoot ang bola sa ring ng tumama ang bola sa ring ay nag-ikot ikot pa ito kaya ang lahat ng taong nag-aabang ay napatahimik ng unti unti ito bumagal sa pag-ikot sa ring at pumasok

"mueller tumira ng dos pasok"

Kasabay nun ang pagtunong ng isang tunog hudyat tapos na ang laro.
Dumagundong sa hiyawan ang buong tao na sa gym.
nagtatatalon ang mga kasamahan ko at mabilis na lumapit sa akin akmang yayakapin nila ako, ngunit binigyan ko sila ng pagkasama samang tingin.

"we loveyouuuuu deam mueller, goo rawson university" sigaw ng mga cheerleader.

Mabilis na bumaba ang mga tao sa benches na kinauupuan nila upang icongratulate kami, kanya kanya silang dala ng banner na may mukha ko. Tsk! di pa naman ako patay!

Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng gamit ko upang kunin ang puting bimpo sa bag ko nanlalagkit ang katawan ko sa pawis, nang hinarang ako ng mga lower years hindi sila familiar sakin

"congrats ate mueller ang galing mo"

kahit naiirita ako ay tipid ko silang nginitian.

"pwedi po bang pa autograph?" sabi nung babae

Nakabalandra dun ang napakapangit kung mukha sa banner na pinagawa nila inabotan nya ako ng pentil pen kaya mabilis ko namang inabot at pinirmahan iyon.
Mabilis naman silang nagpasalamat at umalis upang batiin ang iba ko pang kasama

Binati pa ako ng ilan, pagkalapit ko sa kinaroroonan ng bag ko ay agad kung kinuha ang bimpo at nagpunas ng pawis.

"miss" ani ng isang tinig kung saan patuloy lang ako sa pagpupunas ng pawis ko

"miss" ani nya ulit aa pangalawang pagkakataon kaya napahinto ako sa ginagawa ko lumingin ako upang alamin kung saan tinig nagmumula

Isang lalaking nakatayo sa gilid ko nakablondeng buhok at may hawak hawak na bottled water.

"ako ba?" turo ko sa sarili ko, ngunit hindi nya ako sinagot bagkus ay inabot nya sa akin ang bottled water tinitigan ko lang iyon at tinabig ang tubig dahilan upang mahulog ito. Mabilis naman akung tumalikod at nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis.

Hindi ko kailangan ng tulong ng iba, besides may bottled water ako sa bag ko. Hindi ko na muling sinulyapan ang lalaki.

isang familiar na tunog ang narinig ko kaya bahagya kung kinapa ang cellphone sa pocket ng bag na dala ko.

1 message received from 0915*******
kamusta laro anak?

Mabilis akung nagtipa ng message para magreply
we won. sent to 0915* ***

Tumayo ako sa kinauupuan ko at binaybay ang direksyon papunta sa cr upang magbihis na ng damit, nadatnan ko ang kasamahan ko dun nagliligpit na sila ng kaniya kaniya nilang gamit.

LipstickWhere stories live. Discover now