Prologue

24 1 0
                                    

"Dismiss. Prepare for the quiz tomorrow."

I stood up and put my notes inside my bag. It's lunch time, hindi ko pa alam kung kakain ba 'ko sa labas o sa Bloemen Hall na lang.

"Amanda!"

I look at Penny. "Why?"

Ngumuso siya sa may pintuan. Nagulat naman ako nang makita ko si Finn sa labas, my cousin.

"Why you're here? May class ka pa 'di ba?"

Umiling naman siya. "Walang prof. Kain tayo sa Agno pero daanan muna natin si KD sa SJ Walk, rumarampa na naman ang bwisit."

"Alright. I'll meet Audrey din."

I went inside the classroom and all of them are looking at Finn, kinuha ko na lang 'yung bag ko and opened my phone to check our GC together with my cousins.

SLAPSOILS

Me: I'll eat outside po sa Agno with Finn tapos dadaanan muna po namin si KD.

Cayden: Tagal niyo naman, gutom na 'ko.

Si KD din mismo nag pangalan niyang GC namin and until now I still don't know what does it mean.

Naglalakad na kami ni Finn sa SJ at hinahanap na si KD.

We saw him na nakaupo pa sa lamesa while talking with a lot of girls at tumatawa pa nga. Nagrereklamong gutom na pero eto siya, lumalandi lang pala.

"KD!"

Nakita niya naman agad kami kaya nag paalam na siya sa mga kausap niya at nag flying kiss pa! Napailing na lang kaming dalawa ni Finn.

"Wassup mga pinsan kong pangit!"

I rolled my eyes on him and he just kissed me on my cheeks.

"Taray naman!"

A notification popped on my phone so I immediately open it and saw that Lana and Hans sent a message.

Elana: I still have to finish something. Can't eat lunch, p'wede pa take-out nalang ng Bacsilog? Pa-add na rin ng cheese. Thanks. @Finn Asher

Hansen: Poor niyo naman.

He sent a picture, nag selfie pa nga habang nakapila sa counter ng Starbucks. Ang mature, kainis.

"Finn, Bacsilog daw ng Ate mo."

He just nodded.

Tinago ko na 'yung wallet na hawak-hawak ko dahil malapit na kami sa gate. I look on my right side and saw KD winking his eyes sa mga nakakasalubong naming babae. So flirt.

"Finn, may dala bang car si Lana? Coding kasi ako."

I remembered na wala nga pala 'kong dalang kotse at nag taxi lang ako papuntang school.

"Wala, e. Sumabay lang siya kay Kuya Payton kanina. Ano oras ba tapos ng last class mo?"

"Hmm. 3 P.M, 'bout you?"

"Ay, my last class will end at 6 P.M pa. Pareho kami ni Ate kaya sa'kin siya sasabay. Si Kuya Payton may 7 P.M class, e."

I sighed. Ayoko na mag taxi uli because it always makes me feel uncomfortable.

"Ikaw, KD?" Finn asked.

"5 P.M pa, e."

"It's fine. Mag ta-taxi nalang ako later."

I texted Audrey, my best friend. I asked her kung nasa Agno na ba siya. Wala na kasi siyang class ng hapon kaya ngayon na lang uli kami makakakain ng sabay.

Perfectly Wrong (Almedia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon