2- Nice
*****
"Sandali! Atat na atat ka naman masyado!"
Natatawang sumagot naman si KD. "Hurry up! Late ka na naman gumising, e. Ano na naman ba pinagpuyatan mo, e wala ka namang jowa?"
I rolled my eyes as if na nakikita niya 'ko. "Just wait, okay? Lalo akong natatagalan sa pag e-empake dahil tawag ka ng tawag!"
He laughed amusedly. "Taray naman! Ganda ka?"
I just ended the call and picked up my bag. Chineck ko muna kung lahat ba ng appliances ay nakasaksak pa before I turn off the lights. Dinouble check ko na din kung naka-lock na ba ang mga unit namin bago ako lumakad sa elevator.
Today is Saturday and it means uuwi kami sa mga family namin, but nagkayayaan na mag sleepover sa bahay nila Kuya Payton sa Taguig dahil may business trip sila Tita sa Singapore. Nag text na 'ko kay Mom kagabi to ask for their permission, binilinan muna nila 'ko ng pagka haba-haba pero sa huli ay pumayag din.
Nasa basement na 'ko and nakita ko naman agad si KD na inip na nakasandal sa kotse niya.
"Finally! The princess is done already. I thought I'd spend 8 hours sa paghihintay sa'yo."
I just put my bag sa back seat at umikot naman na si KD papuntang driver seat. Pumasok na din ako at nag seat belt kaagad.
"Where's Lana?" I asked him while he's putting his keys on the car key hole.
Lumingon naman siya. "Nauna na sila. Punta daw muna tayong NBS diyan sa Benilde."
I nodded at chineck ko ang bag ko kung naipasok ko ba ang wallet ko. I'll buy a new book, I think. I just finished reading Into The Water of Paula Hawkins, maybe I'll buy a Romance novel naman.
I opened our GC and they're asking kung nasa'n na kami.
SLAPSOILS
Me: We're otw na po.
Finn Asher: Okay. Dito kami sa gilid naka park.
I'll close my phone na sana nang makita ko ang chat ng pinsan ko.
Madisson: Sa'n kayo? I badly wanna go home.
Me: Pa-Taguig. Sleepover kila Finn.
Nakita ko pa silang nag reply-an nang makita ang chat ni Adi before I closed my phone.
We're already here so I unbuckle my seat belt. Nilingon ko naman si KD na nag ce-cellphone.
"'Di ka bababa?" I asked.
Umiling lang siya. Busy sa ka-text. Halatang may bago na naman siyang nabiktima.
"May papabili ka ba? Isasabay ko na," I fished out my wallet and powerbank out of my bag.
"15 yellow pads lang."
I creased my forehead. "Ang dami naman?"
"Oo. Kinukuha ko kasi 'yung mga stock niyo ng yellow pad sa Condo, para din sa inyo 'yan."
Nanlilisik ko naman siyang binalingan. "Kaya pala tuwing nag re-review kami ni Lana, bond paper na ang gamit niya! Inuubos mo pala! Akala siguro n'un kinakain ko ang yellow pad dahil mabilis maubos!"
Hinampas ko siya sa braso sa sobrang pagkainis.
"Aray, tama na," hinarang niya ang braso niya sa mukha niya.
"'Wag sa mukha, Mandy! Sayang skin care ko. Paubos na nga moisturizer niyo, este ko."
Lalo naman ako nanggigil sa sinabi niya, kaya pala nauubos din kaagad 'yung moisturizer namin ni Lana! Akala mo may siraulong pinanliligo ang moisturizer sa sobrang bilis maubos.
BINABASA MO ANG
Perfectly Wrong (Almedia Series #1)
RomanceAmanda Montalvan Almedia is the unica hija of a business tycoon and the youngest among the famous "Almedia Cousins", she is very classy and confident, pero when she met this boy named Rio, her almost perfect life crumbled because of his audacity to...