11th Trial

14.4K 163 7
                                    

*Marc's POV*

"Thank you, Mr. Michelson." At nakipagkamay sa akin ang bagong investor.

Ngumiti na lang ako at hinayaan siyang makaalis.

Bumuntung-hininga ako at tumingin sa orasan. 11am. Malapit na palang magtanghalian.

Puntahan ko kaya si Lianna sa bahay niya? Gusto ko siyang makita. Yayain ko na lang mag-lunch.

Binilin ko sa secretary ko ang mga dapat gawin at nilakad-takbo ang parking lot sa baba. Para akong tangang nakangiti ng wagas kaya naman tinitignan ako ng mga empleyado ng may pagtataka.

Pero wala akong pakialam. All I want to do is see Lianna and treat her to lunch.

Pagkasakay ko sa kotse ko pinatakbo ko na ito agad. Paano ko nakuha ang address niya? Tinatanong pa ba un? Si Henry. Siya ung nagbigay.

After how many minutes narating ko na rin ang bahay niya. Ang bilis no? Excited lang eh.

Kumunot ang noo ko nang lumabas si Karl sa bahay ni Lianna.

At talagang nakaakbay pa habang nagtatawanan!

Anong ginagawa ng lalaking yan dito?!!

*Lianna's POV*

"What do you want?" Nakangiti kong tanong kay Karl.

I can't believe this! After how many years nakita ko ulit ang bestfriend ko *grin*

Para akong tangang nakangiti dito habang naghahanap ng pwedeng kainin sa ref. Siya naman ay nakaupo sa may counter at pinapanood ako habang nakangiti rin ng wagas.

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at akbayan ako.

"Let's just eat outside. I'll treat you."

Not Enough (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon