Chapter 5

9 2 0
                                    

Warning: Strong use of language

Chapter Five: Talk.

“Let’s get out of here.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay Vincent at lumipas ang ilang segundo ay inalalayan niya na akong tumayo.

Halos hindi ko magawang maglakad nang maayos dahil sa nangangatog kong mga tuhod. Everything’s fresh at hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari.

Napansin ni Vincent na mas lalong bumagal ang pacing ko kaya napahinto siya.

Hinarap niya ako at inayos ang suot ko bago ako binuhat pa-bridal style. Hindi ko napigilang mapatili nang mahina at mapakapit sa leeg niya.

“I-I can walk.” Mahinang usal ko.

Sinulyapan niya lang ko at nagsimula nang maglakad. Naging mabilis ang paglalakad niya at hindi ko alam kung talagang magaan lang ba ako o nagmamadali lang siya.

Nang makalabas ay sinalubong kami nang malakas at malamig na hangin na naging dahilan kung bakit mas napakapit ako kay Vincent at mas pinili kong isubsob ang mukha ko sa leeg niya.

I felt him stiffen but he didn’t say a word.

“Good evening Sir Vincent.” Hindi ko namalayan na nasa entrance na pala kami ng R.A.

Mas lalo kong itinago ang mukha ko dahil alam kong may mga tao pa dito na baka makilala ako. Mahirap na, baka issue pa ‘to.

“Good evening din po Sir Jun.” Pagbati rin niya sa guard ng gate.

Makaraan ang maraming hakbang ay naibaba na rin ako. Kaagad niya akong pinaupo sa loob ng office niya at kumuha ng tubig.

"Here." Tinanggap ko naman ang baso at dali-daling ininom ang tubig hanggang sa maubos ito.

Naghila siya ng upuan at umupo sa harap ko. Tinignan ko siya pero iniwas ko rin ang tingin ko.

Malalamig ang mga tingin niya sa akin at hindi ko mabasa ang ibig sabihin no'n.

Napayuko na lang ako at mas lalong hinigpitan ang jacket na nasa balikat ko.

"I-I w-went o-out to buy fo-"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay pinutol niya na kaagad ito.

"You should rest."

Mabilis na napatingin ako sa kanya at gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

I know I should rest but I can't. I need to let this out or this will kill me inside.

"I went out to buy food. Alam kong madilim na at wala nang masasakyan pero pinilit ko pa rin ang gusto ko."

Hindi na siya nagsalita ulit pero alam kong nakikinig siya.

"Malapit na ako sa bilihan nang may nakita akong mga lalaki sa 'di kalayuan. Binilisan ko ang lakad ko kasi n-natatakot ako." Napahinto ako dahil biglang nag-flash sa isip ko ang nangyari kanina.

Naging malalim ang paghinga ko at hindi ko matuloy-tuloy ang kwento. Naramdaman kong hinawakan ni Vincent ang mga kamay ko na para bang kinakalma ang nanginginig kong sistema.

" T-Tapos bigla ko na lang silang nakita sa harap ko at inaaya nila ako na sumama sa kanila. Nagpumiglas ako nung hinawakan nila ako pero mas malakas at mas marami sila."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Vincent habang ipinagpapatuloy ang pagkwento.

"Kilala nila si Nathan at ginawa nila akong pain para magantihan si Nathan pero hindi naman umubra at dahil do'n, s-sinubukan n-nila akong-"

The Bad Boy And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon