Part 8

321 16 0
                                    

Ngayon pala ang trip nila mama at papa sa iloilo, isang linggo kasi nag leave si papa sa trabaho niya para daw makapag bonding daw muna sila ni mama kasi miss na miss na daw niyang kasama si mama. Napaka swerte kong naging magulang ko sila, sana pag nag karoon din ako ng pamilya at asawa gusto ko katulad ni papa at magiging mapagmahal din akong asawa tulad ng pag mamahal ni mama kay papa.

Nag paalam ako kay mama at papa na kung pwede ay dito muna matutulog sila Asha at Mei tutal ay wala naman akong kasama

Nak ikaw na munang bahala sa bahay ha. Marami namang stock dyan sa ref na pagkain, kayo na bahala dito ha. pag papaalala sakin ni mama

Anak ingat kayo dito ha. pag aalalang sabi ni papa

Ako pa ba ma, pa. Ingat po kayo dun ha mag enjoy po kayo tsaka baka pag uwi nyo dito may kapatid na po ako ah hahaha. pag bibiro ko kay mama at papa. Tumawa lang sila sa akin

Basta anak ha alagaan mo mabuti sarili mo. malambing na sabi ni mama sakin

Opo ma ingat din po kayo dun ha

Sige na nak alis na kami ni mama mo baka malate kami, bye nak love you

Bye din po ma,pa love you po ingat po kayo ha enjoy din po

Umalis na sila mama at papa pero hindi ko alam at parang kinakabahan ako. Pero di ko na masyadong pinansin yun kaya tinawagan ko nalang sila Mei at Asha para papuntahin na dito

Maya maya lang dumating na rin sila. Nagulat ako sa dala nilang gamit na akala mo parang dito na sila titira

Grabe naman di naman ako na inform na dito na pala kayo titira. pabiro kong sabi sa kanila

Syempre ganun talaga isang linggo din yun no hahaha. natatawang sabi ni Mei

Pag pasok nila ay dumiretso na agad sila sa sala na akala mo pag mamay ari nila. Binuksan agad nila yung T.V para manood.

Mga madam pag luluto ko lang po kayo ha. nag aasar na sabi ko

Sige lang ya luto ka lang dyan tas dalhin mo dito pag tapos ha. utos ni Asha sakin

Aba mukhang mali atang nagpasama ako sa kanila, mukhang magiging katulong lang ako sa sarili kong bahay ah hahaha

Habang nag luluto ako ng waffle hindi ko namalayan na meron palang baso sa likod ko at natamaan ko yun ng siko ko kaya nabasag at tumalsik yung maliit na bubog sa paa ko

Nagulat yung dalawa sa narinig nila kaya dali dali nila akong pinuntahan at tinulungan. Habang ginagamot namin yung paa ko biglang nag ring yung cellphone ko kaya sinagot ko agad eto pero unknown number.

Hello sino po ito?

Uhm good afternoon po eto po ba yung daughter nila mr. and mrs Sanchez

Sa tono ng boses nya ay parang may hindi magandang nangyari kaya kinabahan na ako

Opo ee-eto nga po, bakit po anong nangyari?

Uhm maam wag po kayong mag panic ha

Ano po ba kasi yun please po sabihin niyo na.mangiyak ngiyak kong sabi sa kanila

Andito po kasi sila sa hospital ngayon, nabangga po kasi yung kotseng sinasakyan nila at 50/50 na po sila.

Ha! anong sinasabi mo di totoo yan. humahagulgol at nanginginig kong sabi sa kabilang linya

Andito po sila ngayon sa St. James

Dali dali akong inalalayan nung dalawa at isinakay sa kotse ni Asha para punta sa hospital

Sorry to say but wala na sila.........

Humagulgol na ako at pag tapos kong marinig ang mga linyang yun ay di ko na alam ang susunod pang mga nangyari

Every Fangirl's Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon