Part 11

313 16 0
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas nung nawala sila mama at papa. At dahil wala na kaming kamag anak na malapit dahil nag iisa lang naman sila mama't papa na anak at sila lolo't lola ko mga wala na rin naman kaya wala na ring tutulong sakin bukod sa mga kaibigan ko.

Napag isipan kong huminto muna sa pag aaral dahil baka kapusin na yung pera na inipon nila mama't papa para sakin.

Nag hanap hanap muna ako ng part time job, buti nalang din ay may natabi akong saving sa mga baon ko.

Yun yung ginamit kong pera para makahanap ng trabaho

Nagsimula akong mag hanap sa online, mahirap sa una dahil first time ko ito at wala pa akong experience sa ganto.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag hahanap ay may nag message sakin

*Message from Stell*

Nagulat ako ng makita kong tinext nya ako, siguro ay mangangamusta lang ito

Stell: Hi Jane kamusta ka na?

Me: Medyo maayos na pero nahihirapan pa rin

Stell:Ayos lang yan ilabas mo lang yan hindi mahirap maka move on agad lalo na't mahal mo sa buhay ang nawala sayo, pero wag kang susuko maniwala ka lang sa sarili mo na kaya mo yan at isipin mo lagi na matutuwa ang mama't papa mo pag nakita ka nilang masaya at naabot na ang mga pangarap mo

Hindi ko napigilang maluha sa mga sinabi ni Stell, tama siya kailangan kong mag pakatatag para kahit nasan man sila mama't papa matutuwa sila sa bawat tagumpay ko sa buhay.

Me: maraming salamat sa concern ha.

Me: ay oo nga pala bat ka napa text may kailangan ka ba?

Stell: gusto lang kitang kamustahin tsaka balita ko nag hahanap ka ng trabaho eh

Me: bakit may alam ka bang pwede kong pasukan?

Stell: Ah kasi nag hahanap yung company namin ng P.A para samin apat tsaka isa kay Josh. Kaso may nahanap na para saming P.A eh kay Josh nalang ung available

Medyo nag tataka ako kung bakit mag kaiba yung p.a nilang apat tsaka si Josh

Me: ahmm sige ba medyo nahihirapan kasi akong mag hanap ng trabaho eh

Me: Ano bang kailangang  documents?

Stell:kung nag tataka ka pala kung bat hiwalay yung p.a ni josh samin, kasi sa aming lima siya yung pinaka magulo mga gamit kaya kailangan may solo p.a sya haha

Stell: Itatanong ko nalang sa management kung anong mga kailangan mong ipasa update nalang kita

Me: ah ganun ba hehe. Salamat Stell sa pag tulong ha, hayaan mo babawi ako sayo

Stell: Naku! walang anuman, tsaka kahit wag ka ng bumawi ayos lang gusto lang talaga kitang tulungan. Sige na may practice na kami ingat ka ha.

Me: Sige thank you talaga ha. Ingat ka din ha

Napaka bait talaga ni Stell, di na ako mag tataka kung bat maraming nag kakagusto sa kanila, sana katulad din ni Stell yung ibang mga kagrupo niya para madali ko silang mapakisamahan kung sakaling maka pasok ako

Sinabi ko agad kila Asha at Mei yung good news

Me: Guys!

Mei: Oh Jane may kailangan ka ba? punta na ba kami dyan?

Asha: Wait lang papalit lang ako ng damit punta na agad kami dyan.

Natuwa ako sa mga reaction nila, buti nalang may kaibigan akong tulad nila napaka swerte ko sa kanila

Me: wait lang mga bes wag kayong mag alala ayos lang ako may sasabihin lang ako sa inyo...

Asha: mamaya mo nalang sabihin kung ano man yan pupunta nalang kami dyan ni Mei para may kasama ka din dyan

Me: haha ano ba kayo ayos lang talaga ako

Mei: Asha papunta na ako sa inyo ok ka na ba?

Me: napaka sweet naman ng mga kaibigan ko haha

Asha: syempre kami pa ba?

Asha: oo mei ok na ako dalian mo na

Maya maya pa tumunog na yung doorbell at hudyat na nandyan na sila

Pag bukas ko ng pinto nakita ko sila at may dala dala pang pagkain, naluluha ako sa tuwa

Hoy Jane ayos ka lang ba? bat ka umiiyak? sabay nilang sabi sakin ng makita nila akong naluluha

Ay kailangan duet talaga? natatawa kong sabi

Baliw ka ghorl? Pang aasar ni Mei

Kasi kayo eh pinapaiyak niyo ako. di ko na napigilan ang luha kong pumatak ng pumatak

Hoy ghorl nabaliw ka na ata! wag ka ng umiyak wala naman kaming ginagawa ah may pag aalala sa mukha nilang dalawa

Ma- maraming salamat sa effort niyo para sakin ha. di pa rin tumitigil yung luha ko sa pag iyak

Ano ka ba Jane ano pang silbi ng pag kakaibigan natin kung papabayaan natin yung isa isa diba? maluha luhang sabi ni Asha sakin habang tinatapik yung likod ko

Hoy wag na nga kayong mag dramahan dyan naiiyak na rin tuloy ako. pag pipigil ni Mei sa pag iyak

Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Sobrang saya ko talaga na nandyan sila lagi para mapasaya ako

Every Fangirl's Dream (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon