Prologue

11 1 1
                                    

Astria's POV

"Sandali lang, hindi na ako makahinga" Sambit ni joan at tila hinahabol ang kanyang pag hinga. Tumigil kami saglit pero alam kong kailangan namin magmadaling maka takas sa lugar na to.
"Hindi tayo pwedeng huminto joan, malapit na sila at ayokong may mangyaring masama sa ating dalawa" Sagot ko sakanya at agad ko siyang hinila para tumakbo.
Madilim ang paligid at nasa kalagitnaan kami ng gubat, hindi ko alam kung saan namin hahanapin ang iba pa naming kasama, ang masama pa nito ay hinahabol kami ng mga kalaban, at sa kina malas malasan nga naman ay wala na kami parehong mana para makapag cast ng skills.

Patuloy kami sa pagtakbo hanggang sa maligaw namin ang mga kalaban. Nagtago kami sa likod ng isang malaking puno na napapaligiran ng marami at matatangkad na damo.
"Wag kang maingay" bulong ko kay joan habang siya ay hingal na hingal. Hindi ko maiwasang maawa sa kalagayan namin ngayon. Pareho kaming gutom at uhaw sa lugar na hindi namin alam. Kung hindi man kami mapatay sa kamay ng mga kalaban, mamamatay kami sa gutom at uhaw.

Sobrang tahimik ng kapaligiran at sinusubukan kong pakiramdaman ang paligid upang malaman kung may matatagpuan ba kaming kung ano.

"Dito ka lang babalikan kita titignan ko lang kung may makukuha akong makakain o tubig para sa atin" Sabi ko kay joan.
"Baka mapano ka" Sagot niya habang hawak nya ang aking braso.
"Walang mangyayari sa atin dito kung nandito lang tayo. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaligtas tayo." Sambit ko sakanya at agad naman siyang pumayag.
"Mag iingat ka." Mga huli nyang salita bago ako lumisan.

Dahan dahan akong naglalakad habang pinakikiramdaman ang paligid. At sa bawat hakbang ko ay nakakarinig ako ng tila isang agos ng tubig. Dire diretcho ako ng lakad hanggang sa matunton ko ang isang ilog. Agad akong lumusong upang maka inom ng tubig, gamit ng aking mga kamay ay sinalok ko ang tubig upang inumin, kasabay nito ay nag hilamos ako. Agad kong naisip si joan kaya dali dali akong bumalik sa kinaroroonan nya.

Laking gulat ko nang matagpuan ko si joan na bihag ng kalaban.
"Subukan mong lumaban at papatayin ko tong kasama mo" Banta nya sa akin habang naka tutok sa leeg ni joan ang dagger na hawak nya.
"Wag mong sasaktan ang kaibigan ko maawa ka" pakiusap ko sakanya. Dahan dahan akong lumalapit sakanya upang mahawakan siya.
"Wag kang lalapit!!!" Sigaw nya, at agad akong huminto sa kinatatayuan ko.

"Ligtas mo na sarili mo Ria, hayaan mo na ako" Sambit ni joan. Kita mo to mamamatay na nagpapaka hero pa.

"Mananalo kami yan ang tandaan nyo" Pagyayabang nya. Ngumisi siya na nakapang aasar, akala mo kagwapuhan eh, mukha namang tipaklong na may makapal na kilay at sarat na ilong.

Akmang gigilitan niya si joan ng biglang may lumitaw sa likod nya. At agad na sinaksak ang dagger sa leeg ng kalaban. Pumiglas si joan at tumakbo paroon sa akin.

Nagulat ako sa pangyayari at natuwa dahil si casandra ang nagligtas kay joan. Niyakap nya kami ng mahigpit at ganun din kami.
"Akala ko kung napano na kayo, buti na lang natagpuan ko kayo" Sabi ni Cas.
"Paano mo kami natagpuan?" Tanong ni joan.
"Naglalakad ako upang humanap ng makakain nang bigla kong makarinig ng sigaw kaya agad kong sinundan ang boses na yon kaya nang malaman ko kalaban yon ay agad ko ginamit ang kapangyarihan kong mawala upang makalapit sakanya ng hindi nya nalalaman." Paliwanag nya sa amin.

Tinuro ko sakanila ang natagpuan kong ilog upang maka inom sila ng tubig. Nang makaraning kami doon ay agad silang lumusob sa tubig. Lumipas ang ilang minuto ng pagtatampisaw sa tubig ay nakarinig kami ng tunog sa likod ng mga damo. Agad kaming nagtago sa malalaking bato.

Bumungad samin ang isang grupo ng mga kalaban mula sa Chimera High, suot ang kanilang uniform habang dala dala nila ang kani kanilang weapon. 4 na lalaki at 2 babae. Lumusong sila sa ilog at uminom ng tubig habang naghihilamos, maya maya pa't biglang natigilan ang babae tila nakaramdam na hindi lang sila ang nasa ilog.
"Bakit natigilan ka?" Tanong ng isang lalaki.
"Hindi ko alam pero parang hindi lang tayo ang nasa ilog na to" sagot niya. Nagmasid siya sa gilid at gayun din ang ginawa ng kanyang kasama.
Naramdaman ko na may presensyang patungo sa pwesto namin kaya agad akong kinabahan. Tumingin ako kay Cas upang bigyan siya ng babala. Pero binigyan nya lang ako ng paumanhin na tingin. Nararamdaman kong malapit na siya kaya humawak ako kay Cas at nag sorry ng hindi nagsasalita. Pumikit ako at ginamit ang kapangyarihan nya na mawala. Binuhos ko ang buong mana ko upang masama silang dalawa sa kapangyarihang ginaya ko.

"Tignan nyo yon, may usok sa banda don" Sambit ng isa nilang kasama. At agad silang lumisan sa ilog.
Dumilat ako at nagbalik sa normal pero agad akong nanghina, ramdam ko ang bigat sa aking katawan.
"Sorry" Paumanhin ko kay Cas. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko dahil ginaya ko ang kapangyarihan nya.
"Okay lang, ginawa mo lang ang dapat" Nanghihina niyang sagot.

Nagpahinga kami sa tabing ilog na napapaligiran ng mga bato. At duon kami nagpang abot ng gabi.
"Matulog na kayo mag aabang muna ako baka may biglang dumating" Sabi ko sakanilang dalawa at yun naman ang kanilang ginawa.

Habang natutulog sila nilalabanan ko ang antok ko upang maging alerto sa paligid. Pero habang patagal ng patagal ay nararamdaman ko ang bigat ng mga talukap ng mata ko. At sa huli ay hindi rin ako nanalo labanan ang antok ko.

Nagising ako at kinabahan dahil nakatulog ako. Nakita ko si joan na nagbabalat ng prutas.
"Asan si Cas?" Nag aalalang tanong ko.
"Huminahon ka, nag hahanap siya ng makakain" Sagot ni joan. Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong ligtas kami at walang nangyaring masama habang natutulog.

Lumipas ang ilang oras dumating si Cas dala dala ang tatlong kuneho at prutas para sa amin. Laking saya ni joan dahil may makakain na kaming karne. Ilang araw na rin kami dito sa arena at puro tubig at prutas/gulay lang ang nakakain namin.

Gumawa ako ng apoy gamit ng mga kahoy upang lutuin ang mga kunehong nahuli ni Cas. Habang binabalatan ni Joan ang mga prutas. Abala kami sa mga ginagawa namin habang kinukwento ni Cas ang mga nangyari sakanya habang naghahanap siya ng pagkain.

"Wag nyo masyadong gamitin ang mga kapangyarihan nyo para handa tayo sa kung ano mang laban" Babala ko sakanila. At sumang ayon naman sila.

Lumipas ang mga oras at nasa kalagitnaan kami ngayon ng gubat at hinahanap ang iba pa naming kasamahan.
"Sa tingin nyo, ayos lang kaya si Lex, Roi, Vicky, at Karylle?" Tanong ni Joan.
"May tiwala ako sakanila, alam ko g ayos lang ang lagay nila." Sagot ko sakanya.
Patuloy kami sa paglalakad at sa kasamaang palad naka apak si Cas ng patibong.
"Ahhhh..." Sigaw ni Joan. At mabilis kong tinakpan ang kanyang bibig.
"Wag kang maingay malalaman nila na nandito tayo." Sambit ko sakanya. Kaya tumigil siya sa pag sigaw.
Kasalukuyan kaming naka kulong sa isang kulungang gawa sa metal. Sinubukan kong hawakan ito ngunit may kakaiba akong naramdaman, madulas at may kakaibang amoy. Sinubukan gamitin ni Joan ang kapangyarihan nyang telekinesis upang ma bend ang mga metal at nag tagumpay siya. Agad kaming lumabas ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo at unting unti nagbabago ang paningin ko, tila para bang umiikot at lumalabo. Bumigat ang katawan ko at napapikit. *Blackout*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PeculiarsWhere stories live. Discover now