Ynna
Andito ako ngayon sa kwarto ko nag iisip sa totoo lang hindi talaga ako mapakali pero hindi ko alam kung bakit? Siguro dahil hanggang ngayon masakit parin, oo aaminin ko sobrang sakit parin hindi ko parin makalimutan ang sakit na naidulot nya/ nila saken.
Dalawang taon na ang lumipas pero andito parin yung sakit, Sya ang kauna unahang lalaking minahal ko, pero siya rin pala ang unang lalaking sasaktan ako.
Siya ang maging mundo ko noon, halos anim na buwan akong wala sa sarili , sabihin nyo mang masyado akong Oa pero ganito talaga siguro kapag sobra mong minahal yung tao at sobra sobra karing nasaktan dahil sa kanya.
Muntik ko ng mapabayaan ang pag aaral ko noon, salamat na lang sa mga kaibigan ko na tinutulungan akong bumangon sa pagkakawasak ko. At sa mga magulang ko na hindi ako pinabayaan at patuloy akong sinusuportahan.
Salamat kase meron akong sila na hindi ako iniiwan. Dahil sa kanila meron pa akong lakas para ipagpatuloy ang buhay.
Bakit ko nga ba sasayangin ang buhay ko para sa isang lalaki na walang ibang ginawa kung hindi ang nasaktan ako ng paulit ulit halos magmukha na akong tanga.
Ipapakita ko sa kanya/ sa kanila na kaya ko kahit wala siya/ sila sa buhay ko. Kaya kong mabuhay ng wala sila.
kaya ko at kakayanin ko.............
YOU ARE READING
Falling In Love
RandomTungkol ito sa dalawang taong nagmahal ng lubos, at parehas silang na bigo. Ano nga kayang mangyayare pag nagtagpo ang kanilang Tadhana?