CHAPTER 3

2 0 0
                                    

Umuwi na kami ni inay inalalayan ko siya hanggang papasok ng barong barong namin.

"Inay totoo ho bang salvatierra ang gumawa sayo niyan,?"tanong ko
"N-nak yaan muna mayaman sila tayo mababang uri,"pagpapakumbaba ni inay.

"Yun na nga eh kung sino pa yung mayaman ang sasama ng ugali walang hiya at walang puso talaga yang mga salvatierra,"galit kung bulalas

"Nak wag kang magsalita ng ganyan,"sabi ni inay na ipinagtataka ko
"Bakit ba inay ganyan na ginawa sa inyo pinagtatanggol niyo pa sila,"nakatiim bagang kung sabi

"Sige na iligpit muna to,"sabi ni inay kaya wala akong nagawa.
Ano bang meron diyan sa salvatierra na yan.

Unti unting umaahon ang galit sa dibdib ko dahil sa kagagawan ng mga salvatierra nagkagulo gulo rito.

Nag aagaw dilim na nasa terrace ako nakaupo tinatanaw ang mabituwing kalangitan napakapaya ng gabi at ang sarap ang ihip ng hangin.

Napalinga ako ng makarinig ng kaluskos banda sa bukid.
Napatingin ako ng makakita ako ng pigura ng isang lalaki.

Lumabas ako sa terrace para tignan ito pero hindi ko na siya makita napahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng kabog nito.

Pumasok naku at isinawalang bahala ang aking nakita nahiga ako sa kwarto ko hanggang sa dalawin ako ng antok.

Nagising ako sa ingay ng tilaok ng manok este ingay ni helen na putak ng putak.

"Ano ba Ems hindi kapa ba gigising tanghali na naman tayo kana riyan at tayoy pupunta sa palengke nauna na si tita,"putak ni helen

"Oo na !oo na!!,"naiinis kung sabi sabay bangon na rin naghilamos lang ako saglit tsaka binanatan ang almusal kasama si helen.

Pagkatapos naming nag almusal naligo ako tsaka kami nagpunta sa palengke.
Nang makarating kami kanya kanya ng nagsipunta sa pwesto ng tindahan.

"Inay ako na ho riyan at ng kayoy makapagpahinga na,"sabi ko pinaupo ko muna si inay sa tabi.

"Bili na kayo ale! kuya! Murang mura bili na kayo mga suki!,"sigaw ko pang agaw pansin sa mamimili.

Linggo ngayon kaya dagsa ang mga mamimili hindi kami magkaundagaga sa pag asikaso sa mga mamimili.

Sa wakas naubos narin paninda namin sakto alas 4 na.
Uminat ako sobrang sakit ng balakang ko.

Brian pov.

Naisipan naming magbabarkada na magliwaliw sa san diego.
"Yeaaah this is life,"Sarge said

"Yeah right lets hunt a pretty girl,"toph said
"Tsk hindi ba kayo nagsasawa,"I ask then laugh.

Habang nagmamaneho ako tawanan lang ng tawanan luko luko talaga tong toph na to.

Sarge Montenegro ay pinsan ko si Toph Salvatierra naman ang besfriend ko.
Magbabarkada kami wala nga lang si lee choi dito.

Mayayamang angkan kami nagmula kaya sunod sa luho kaming lahat.
Lahat ng gustuhin namin ay nakukuha namin.

Napapreno ako agad ng muntik ko ng mabangga ang isang babae .
"Brian what the f*** papatayin mo ba kami?"gulat na sabi ni toph

"May tumawid damn,"galit kung sabi
Nagulantang kami ng may humahampas sa hood ng mustang na sasakyan ko.

"Bumababa ka diyan!!papatayin mo ba kami huh!!!labas,"galit nitong sabi
Nagsilabas kami.

"Ano bang pro-,"
"Miss it's your fault kung hindi ka tatanga tanga hindi ka muntik ng masagasaan,"sigaw ko

"Wow hanep Mr. Who ever you are ikaw pa may ganang magalit ikaw na nga tong muntik ng makapatay,"galit nitong sabi

Hindi kita ang mukha natatabingan ng mahaba niyang buhok ang kasama naman niya tulalang nakatingin samin.

Huminto ang oras ko ng mag angat siya ng mukha ang ganda niya napatingin din ako sa mga kasama ko tulala rin sila.

"T-tita--....sabi ni toph napalingon kami sa kanya
"Anong sabi mo?,"tanong namin
"Ah w-wala hehe,"alanganin niyang sabi

"Sorry Ms. ,"sabi ni Sarge humawak pa ito sa kamay ng babae 
"Hoy abuso ka!!,"sigaw ng babae

"Tss halika na helen dumidilim na naghihintay na si inay,"sabi ng babae sa helen daw ang pangalan.

Paalis na sila ng sumipol si sarge ang sexy niya kasi kahit kupas at luma ang damit.

"Sarge!!,"sigaw ko
"Hey insan high blood,"sarge said
Lumapit si sarge pinipigilan si Ms. Beautiful.

"Ano ba bumitaw ka!!!,"sigaw ng babae mukhang may trip ang mga to napangisi ako.

I'll be backWhere stories live. Discover now