Chapter 1 The incipiency

4 0 0
                                    

   Bakit ba naiiyak ang mga babae pag nanonood ng drama. Arrrg! Naiinis ako sa mata ko kusa nalang tumutulo. Bakit ganito?

   Nanonood ako ng Endless love Philippine edition. Actually matagal nang pinalabas yun eh. Napagtripan ko lang panoorin ulit. Kasi nga ang ganda ng story at grabe as in sobrang maiiyak ka pag pinanood mo yun.

   Yun nga lang hindi happy ang ending. Nag eexist ba talaga yang si happy ending? Para kasing hindi eh.

    Sa mga past relationships ko kasi lagi nalang akong bigo. Yung first boyfriend ko iniwan ako. Dahil bakla pala ayun sumama sa katulad nyang lalaki. Yung pangalawa naman ipinagpalit ako sa bestfriend ko pa. At yung huli ayun nakabuntis ng iba. Based on my experience happy endings don't exist. Bakit pa kasi andaming happy endings sa mga telenovela at pelikula? Samantalang in reality wala namang ganun eh. Hmmmp.

     Naku andami ko nang nasabi sa inyo , samantlang hindi pa ako nakakapagpakilala. I want to introduce myself to everyone .Ako nga pala si Sofia. Iya for short. Simple lang ako. Jeans, t-shirt at flat shoes lang okey na sa akin. Medyo baduy daw akong pumorma at wala na sa uso. Pero okey lang naman sa akin kung sabihin nila na baduy ako. Sabi nga nila "You don't need to please everybody." Iyakin ako. Balat sibuyas. Konting asar lang maiiyak na ko. Noon ngang High school ako. Lagi nila akong pinagtitripan. Tampulan ako ng tukso. Laging binubully.                

     Naka graduate na ako ng college and now i'm currently taking up my master's degree in Our lady of Fatima University. Dalawa lang kameng magkapatid, parehong babae at ako ang panganay. Ang mom ko isang scientist at nagwowork sya sa ibang bansa. Ang dad ko well I don't know where in the hell did he go. All I know eh anak kame sa labas. Putok sa buho kung tawagin nila. Si mommy balita ko may iba nanaman syang boyfriend. Paiba iba sya ng boyfriend simula nang iniwan kame ni daddy. Ganyan ka miserable ang buhay ko. Pero kahit na hindi perpekto ang mommy at daddy ko mahal ko parin sila lalong lalo na ang baby sister ko na si Jaime.

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon