Part 2 Miserable me

5 0 0
                                    

Tulad nga nang sabi ko sa inyo kanina miserable ang buhay ko.

Flashback

"Where the hell do you think you're going?!" Sigaw ng Mommy ko sa daddy ko.

May daladalang mga maleta ang daddy ko nun. 9 years old palang ako at si Jamie 1 year old palang. Nagmamadaling nilagay ni daddy yung mga gamit nya sa kotse. "Wala na tayong dapat pag usapan pa! Tapos na tayo Elena!" Sigaw ni daddy. "Paano na kame ng mga anak mo? Iiwan mo nalang ba kame ng ganun ganun nalang?! Umiiyak na sambit ni mommy. "Elena hindi mo dapat sinugod doon ang asawa ko. Sana magtatagal pa tayo! Pero anong ginawa mo? Nag eskandalo ka pa! Kahihiyan ang inabot ko dahil sa napakaliit mong kokote! Sa tingin mo ibabahay pa kita?!" Galit na sabi ni daddy.

Asawa? May ibang asawa si daddy? Ibig sabihin anak kami sa labas? Napaiyak nalang ako habang iniisip ang mga yun. Kaya pala tuwing weekend lang siya umuuwi sa bahay. Dahil may iba siyang pamilya. Noon ko lang napagtanto ang lahat.

Nag iiyakan na kame. Si mommy lumuhod na sa harapan ni daddy. Nagmamaka awa na wag kameng iwan.

"Adolfo para mo nang awa. Wag mong hayaang mawalan ng ama ang mga anak natin." Pag susumamo ni mommy. "Ayoko na lumaki silang walang kinikilalang ama. Adolfo wag mong gawin sa amin ito. Maawa ka sa mga anak mo." Humagagulhol niyang sambit. "Huli na ang lahat!." Sumakay na siya sa kotse at kumaripas ng takbo. Walang nagawa si mommy kundi umiyak nalang ng umiyak.

Fast forward

     Tanghali na akong nagising. Wala na si yaya. Umalis na dahil wala nang maipasweldo si mommy. Si Jaime tulog parin. Sa kwarto ko siya natulog. Pagbaba ko nakita ko si mommy sa sala na nakatulog. Nakapalibot sa kanya ang basyo ng kung ano anong alak. Sobrang na dipress si mommy sa nangyari. Almost 4 years na ang nakakaraan pero hindi nya parin nakakalimutan ang pang iiwan sa amin ni daddy.

Tinawag ako ni mommy. "Anak lumapit ka kay mommy dali."

"Ano po yun?" Tanong ko.

"Anak mangingibang bansa na muna ako." Sabi nya.

"Pero mom paano kami? Sinong gagabay sa amin habang wala ka?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon