Amber's POV
Ang ganda naman dito, anong lugar ba ito?
Merong mga bata?
May nakita akong isang batang lalaki, mag isa siya.
Nilapitan ko siya.
"Hi Bata" hindi siya tumitingin sakin
"Bata? Bakit hindi ka nakikipag laro sa ibang bata dun sa playground?" hindi pa din siya tumitingin
"Kasi, binubully nila ako" nag salita na siya at tumingin saakin. Nakita ko yung mukha niya umiiyak na siya.
"Wag ka ng umiyak, ilang taon ka na ba?" parang mga 8 years old na siya eh
"7 years old po, binubully po ako nung batang babae. Yung nasa slide po" tiningnan ko naman yung nasa slide na batang babae.
Ang puti niya at meron siyang mahabang kulot na buhok. Ang ganda niyang mag smile, sino kaya yung batang iyon?
"Parang mas matanda ka naman sakanya bakit nag papatalo ka?"
"Kasi po, tinuruan ako ni Daddy na wag daw po saktan yung mga babae. Para ko daw po kasi sinasaktan si Mommy pag nang-away po ako ng mga babae, kaya hinahayaan ko na lang siyang i-bully po ako" nakaka awa yung mukha niya, pero parang naging proud ako sa batang ito.
"Pero ikaw naman yung nasasaktan"
"Okay lang naman po, as long as masaya po siya" sabi niya habang naka tingin dun sa nag slide at naka smile na siya ngayon
Wow ah, daig niya pa ang babaeng may dalaw. Kanina umiiyak, tapos ngayon naka smile na.
"Crush mo siya?" tanong ko na ikinabigla niya
"A-ate hindi po! s-sige po uwi na ako. Salamat po sayo" sabi niya habang tumatakbo palayo saakin
"Crush mo lang yung batang babae eh" sabi ko sa sarili ko habang natawa ng ka onti.
Tinignan ko yung batang nasa slide. At tumingin siya sakin at bigla siyang ngumiti.
Nilapitan ko siya.
"Ang ganda mo naman, pero pwede ba ako mag tanong?" bungad ko sakanya
"Hi ate, ang ganda mo din po. Parehas tayo green eyes hhe" ang cute ng tawa niya
Oo nga no?
"Bakit mo binubully yung batang lalaki kanina?" sabi ko, nakita kong nalungkot siya bigla.
"Kasi ate hindi siya nakikipaglaro saakin eh, wala po kasing gustong maging friend ko kasi po akala nila pag naging friend ko sila, lagot sila sa mga bodyguards ko" ang lungkot niya naman.
Parehas kami ng batang ito, nung bata din ako ayaw ako palabasin ni Daddy, kailangan ko pa umiyak ng umiyak maka punta lang ako sa park or mall. Pero kailangan may kasama akong sampung body guards at may mga naka tago pa sa paligid para daw sa security ko.
There was a time na napahiya ako dahil sa mga body guards ko.
Pumasok ako sa isang boutique nag try ako ng damit kasi may party kaming pupuntahan ni Kuya Shernan at ni Mommy. Pumipili ako ng magandang dress ng biglang may isang mas maliit na bata yung pumunta sa may side ko at natumba ako. Yung mga body guards ko nag panic, at kinuha yung maliit na bata na I think 2 or 3 years old pa lang at hinanap yung mama nung bata, nung nakita naman nila yung nanay nung bata eh pinag sabihan nila iiyak na sana yung nanay nung dumating ako at inawat yung mga guards ko.
BINABASA MO ANG
Falling in love with Amber Dawn
Romance▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪ "I always end up being the second option" - Amber Dawn Ferrel Montefalcon "They don't understand me, they like to think that I am a player. She think that I didn't love her" - Zachary Michael Lutherford Falcon ▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪