Amber's POV"Nathan, please wag mo kong iwan.." Paki usap ko kay Nathan.
Masaya kami, sa loob ng pitong taon sobrang saya namin. Wala kaming ibang iniisip kung hindi yung future namin.
Minsan nga nag tatampo na sa akin yung mga magulang ko kasi mas may time pa daw ako sa Boyfriend ko kesa sa kanila.
Nag simula lang siyang mag iba ng ugali nuong nagkita sila ni Bryan, sabi niya bestfriend niya nuong high school sila kaso umalis raw bigla si Bryan.
"Tama na Dawn! Hindi ko na kayang mag panggap pa" Sabi niya. Panggap?
"Anong sinasabi mo?"
"Hindi ako tunay na lalaki Dawn, si Bryan ex ko siya. Hindi mo ba nahahalata sakin yun? Sa loob ng pitong taon Dawn? Hindi mo yun napapansin?" Sabi niya na ikinabigla ko.
"Hindi mo ba napapansin na tuwing mag bibihis ka sa harap ko, ayaw ko makita ang katawan mo? Hindi mo ba na papansin na minsan ako nag kikilay sayo? Hindi mo ba napapansin na araw araw akong nag sa-suggest ng mga susuotin mo kasi out of style ka mag porma? Hindi mo ba napapansin na kahit kiss sa lips wala tayo? Hindi mo ba napapansin na pitong taon na tayo pero wala pang nangyayari satin? Na mas pinipili kong samahan yung kuya mong mag shopping kesa sayo? Kasi nga BAKLA ako!"
Kaya pala, akala ko strikto lang siya saakin. Bakit ang tanga tanga ko at hindi ko yun napansin. Matagal ng sinasabi ni Kuya Shernan na bakla si Nathan, pero di ako nakinig. Hindi ko siya makita, sobrang nanlalabo na yung mata ko. Masakit na rin yung puso ko.
"I can't hide it anymore Dawn, akala ko nung niligawan kita, mawawala na itong kabaklaan ko, pero parang mas naging bakla ako sa mga ginagawa mo. Oo Dawn, minahal naman kita eh, pero di gaya ng pagmamahal na gusto mo. Mahal kita bilang nakaka batang kapatid ko"
Hindi ko ito kaya, ang sakit.
"Bakit Nathan? Hinintay mo pang umabot tayo ng 7 years bago mo sabihin to sakin? Bakit mo pa pinatagal? Bakit Nathan?" Nakahawak na ako sa puso ko, ano mang oras bibigay na ako.
"Ilang taon ko na to sinasabi sayo, pero hindi ka nakikinig 'di ba? Hinintay ko lang bumalik sakin si Bryan kasi siya pa din yung mahal ko Dawn. Hinintay ko lang maging ganap na doktor siya kasi sabi niya mag papakasal na kami pag balik niya" Hindi ko na kaya.
"Gago ka Nathan! I hate you! I hate you! I Hate you! I hate----------" Hind ko na kinaya.
"Dawn! Anong nangyayari dawn?!" Sabi niya.
Nakita ko kinuha niya yung cellphone niya at may tinawagan.
"Kuya Shernan! Si Dawn po, nahimatay po siya at nahihirapan huminga. Kuya!" sabi niya habang umiiyak.
Ilang minuto pa biglang naging itim na yung nakita ko, wala na akong makita pero naririnig ko may ambulansya na. May naka hawak sa kamay ko, sabay sabi niya
"Amber, andito lang ako. Please, huwag kang bibitaw. Lalaban ka di ba?" yung boses na yun, namiss ko yun ng sobra.
"Michael"
Bumalik siya, bumalik si Michael.
Zachary's POV
Hi ako nga pala si Zachary Michael Lutherford Falcon, pano ko nakilala si A.D? Hehe hindi niyo kilala si A.D? Si Amber Dawn.
Nakilala ko siya sa company ng Daddy ko, 14 years old ako nun nung nakilala ko siya, 12 years old pa lang siya nun.
Mag isa ako sa isang park malapit sa company ng Daddy ko, nag iiisip kasi sabi ng daddy ko papapuntahin niya ako sa England para daw makita ko yung mga kamag-anak namin dun.
BINABASA MO ANG
Falling in love with Amber Dawn
Romance▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪ "I always end up being the second option" - Amber Dawn Ferrel Montefalcon "They don't understand me, they like to think that I am a player. She think that I didn't love her" - Zachary Michael Lutherford Falcon ▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪