💜Chapter Thirteen💜

25 3 0
                                    

Wala akong ibang plano para sa taon na iyon kung hindi ang tapusin ang world tour para makapag-hiatus na muna ako ng six months. Iyon ang pangako ni Woo Hyung Oppa sa akin pagkatapos kong ma-ospital na naman dahil sa anemia.

Kakatapos lang ng tour ko sa Europe at US sa unang bahagi ng taon kaya ngayong June, sisimulan ko naman ang pag-ikot sa Asya.

Nagsimula ang concert sa Seoul na matatapos din sa Seoul kaya uunahin naming ang pagpunta sa China, Japan, Thailand, at Philippines bago bumalik sa Seoul.

Isang buwan ang schedule ko sa isang bansa kada concert. Dalawang cities ang venue per country kaya nagtatagal ako sa bawat bansa ng halos isang buwan.

At habang ginagawa ko ang preparations sa concert, nagsu-shoot ako ng online variety show na pino-post ng team namin sa S-Live, isa ako sa mga soloist na nagkaroon ng kontrata sa fan café app na iyon. Malaki din ang kita kaya bakit hindi ko gagawin?

Isa pa, madami na akong subscriber sa app na 'yon. Bilang ganti sa pagmamahal ng mga Starlights ko, kailangan kong ibahagi sa kanila ang journey ko bilang isang solo idol. Kung may Army ang Bangtan, Blackjacks sa 2NE1, at Blinks sa Black Pink, mayroon akong Starlights na naging kasama ko noong mga panahong malungkot ang tunay kong buhay.

Sila ang dahilan kung bakit palagi akong ganado sa trabaho.

Hindi na din ako bitter. Tapos na ako duon. Wala namang nakakaalam na wasak na wasak pa din ang puso ko. And it's better to be that way. Ang alam lang ng lahat masaya ako sa trabaho, mahal ko ang lahat ng taong nasa likod ng performances ko at hanggang ngayon, hinihintay pa rin ako ni Woo Hyung Oppa pero nilinaw ko sa kanyang imposible ang gusto niya.

Those things were just perfect to hide my broken heart.

Bukod sa make-up, hindi din nakakalimutan ang malambing kong ngiti. That makes people call me The Nation's Sweet Girl na dating title ni Miss Kim Tae Hee.

Ang hindi alam ng lahat, magaling lang akong umarte. Papasa na nga akong maging leading lady sa mga drama, pero hindi pa namin naiisip 'yon. Soon. Siguro kapag natapos ang tour, titingnan ko kung kakayanin ko ng tumanggap ng acting projects.

Wala naman akong balak maging actress pero kapag binigyan nila ako ng acting contract hindi naman ako tatanggi. May mga korean actors akong crush kaya ano bang malay ko kung maka-partner ko pa si Hyun Bin Oppa? 😊😊😊

"Ready for your final stage here in Thailand?" tanong ni Jan Di sa akin.

Tumango ako saka sumampa sa stage frame. Nang magsimula ang kanta, sinabayan ko agad. At sa loob ng halos apat na oras, wala akong ibang iniisip kung hindi ang mga lyrics at dance step pati na ang mga pagpapa-cute sa camera.

The concert went well.

Ang dami ding mga fans na nagbigay ng mga regalo sa akin na ipinaabot nila sa mga usher at isa-isa kong binuksan ang mga iyon sa kotse habang nagro-roll ang camera para sa S-Live.

"This is your last day here in Thailand. Didiretso na tayo ngayon sa airport papunta sa Philippines." Sabi ni Jan Di pagkatapos naming ma-kuhanan ang pagbukas ko ng gifts habang nagpapasalamat ako sa mga fans na nagpa-sold out ng tickets sa concert ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig iyon. "Mworago? (Ano kamo?)"

"Nakapag-book na ng ticket si Manager Ma. Natawagan na din ang Daddy mo at nabigyan ka ng time para makasama siya. Si boss ang nag-utos kaya naasikaso agad."

Hindi ko naman masabing hindi ganoon ang gusto ko dahil sa totoo lang, ayaw kong makita si Daddy. I intentionally ignored his messages and calls dahil kung si Eomma, kaya niyang iwan ng ganoon na lang nang wala siyang naririnig na reklamo, ako hindi.

OPPA SERIES V1 (Book 3): Mr. Trouble-Maker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon