I am still undecided. Mahal ko pa si Trev, iyon ang sigurado. Pero pagkatapos ng lahat, karapatdapat pa rin ba ako sa pagmamahal niya? I am the selfish bitch here. Clearly, he just did that for me just to keep my career going. And I still wanted to continue this. Matatanggap niya kaya 'yon?
Kabado ako nang itakas ako ni Jan Di pagkatapos ng masikip kong schedule. May oras akong matulog sa dorm at gaya noon, tinulungan niya ako na makaalis sa apartment at makipagkita kay Trev.
Binilinan niya si Trev na dalhin ako sa restaurant ni Eomma para safe ako lalo na sa galit ni Woo Hyung. Oo nga't tanggap na niyang wala akong interes sa kanya pero ibang usapan kapag nalaman na naman niyang may komunikasyon na naman kami ni Trevor.
Sarado na ang restaurant nang dumating kami duon at wala pa ring imik si Trev. Kanina pa siya ganoon mula nang sunduin niya ako sa malapit na park kung saan ako iniwan ni Jan Di.
Ang awkward.
Pero inaasahan ko ng ganoon ang muli naming pagkikita pagkatapos ko siyang malditahan noong huli kaming magkita sa Pilipinas. Hindi nga ba't iniwasan niya din ako duon?
Ang nakakapikon lang, parang wala siyang balak na magsalita. Ano bang gusto niya? Ako pa ang mag-sorry sa kanya? Kahit staged lang ang tungkol sa pambababae niya, nakita pa din ng blondinang babaeng iyon ang hubad niyang katawan. Isa pa, galit pa rin ako sa mga sinabi niya noon kahit pa ipinaliwanag na ni Jan Di ang lahat.
He needs to do the explaining part for me to understand. At wala akong planong tumiklop sa kanya.
"Ehem." He just cleared his throat. Hinihintay niya ba akong magsalita? Why do I have to feel like everything is my fault now?
"What?" paasik kong tanong.
"Masaya ka sa duet niyo nung JB?"
Tinitigan ko siya ng masama. Ano namang problema niya duon? "You don't even have any right to care about it."
Tumango siya at inihilamos niya sa mukha ang sariling palad. Hindi ko sigurado kung napipikon ba siya o ano. "Kinuha niya number mo?"
Napakunot noo ko. "Ano'ng paki mo?"
Hindi na siya sumagot.
I was about to add fuel to the fire nang makita ko ang Daddy ko at si Eomma na galing sa kusina. Nagkukwentuhan sila ng tungkol sa mga ingredients nang mapansin nila kaming dalawa. "Oh! Kanina pa kayo?" tanong ni Dad.
"Ngayon-ngayon lang Tay."
Tay? Sino siya para tawaging Tatay ang Daddy ko?
Pero nawala ang inis ko kay Trev nang makita kong maghawak ng kamay ang mga magulang ko. "Let's go, Yeobo." Sabi ni Dad saka niya ako tinapik sa balikat. "'Wag kang masyadong masungit d'yan, mukha lang indifferent 'yan pero malambot 'yan pagdating sa'yo. Let's talk once you're free from your schedules. Okay?"
Speechless pa rin ako hanggang sa makita ko silang sumakay na sa kotseng nasa labas pagkatapos iabot ni Trev ang susi ng kotse sa Daddy ko.
He invited me to sit.
Wala akong nagawa. Kaya naman ako naroon ay para makipag-usap diba?
"It's nice to see you again." sabi niya pagkaupo sa harap ko. "I didn't expect that Jan Di would really do this for me. Pwede siyang masisante sa ginawa niya. I think, I owe her a dinner."
Uminit ang ulo ko sa sinabi niya. "Bakit ba kasi andito ka? Kung dinala mo lang ako dito sa parents ko, salamat. Kung 'yon lang, aalis na ako."
Akmang aalis na ako nang pigilan niya ang pulsuhan ko. "Umupo ka nga. Hindi ko inabala si Jan Di para lang sayangin ang pagkakataon na 'to para sabihin sa'yong hindi ako natutuwa sa JB na 'yon at bukas na bukas isasako ko siya pabalik sa agency niya kapag pinuntahan ka pa ulit niya sa H Entertainment."
BINABASA MO ANG
OPPA SERIES V1 (Book 3): Mr. Trouble-Maker [COMPLETED]
ChickLitThe truth untold behind a serendipity. Start: 8April2020 Finished: 25April2020 All rights reserved © 2020 Oppa Series 3: Mr. Troublemaker written by Suzie Kim