"Umuwi ka agad. Diretso na dito sa bahay." sabi ni mama. Nagaayos ako ng gamit para sa school. Katatapos lang namin kumain ng breakfast. "Opo, mama!" masigla kong sagot habang nakangiti.
Nag-kiss ako sa cheeks ni Mama. Ganoon din ang ginawa ko kay Papa. Nauna ng umalis si Kuya dahil mas maaga ang pasok niya sa school kaysa sa akin. Binitbit ko ang backpack na dala at lumabas ng bahay. Pwedeng lakarin ang school ko mula dito sa amin. Pero madalas sumasakay na lang ako ng tricycle.
Pumara ako ng tricycyle at nakangiting sinabi doon sa kuyang driver na papunta ako sa school. Madalas na akong pasahero ni kuya kaya naman nginitian niya rin ako at saka pinasakay sa tricycle. Bumaba ako sa tapat ng school namin. Binayaran ko si kuyang driver at nginitian siya ulit.
Inayos ko ang aking bag at ang pagkakasuot ko sa uniform namin. Nagsimula akong maglakad papunta sa entrance gate ng school. "Hi Kate!" tawag sa akin.
Tumalikod ako para makita kung sino ang bumati at nakita ko si Carl. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nahihiyang ngumiti sa kanya. Ang pogi ni Carl ngayon. Ang pogi niya naman palagi eh. Nakangiti siya at kitang kita ko ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. "Sabay na tayo?" tanong niya.
Tumango ako at yumuko para maitago ang pamumula ng aking mga pisngi. Crush ko na kasi si Carl dati pa. Sabay kaming naglakad papunta sa aming classroom. 7 AM pa lang. 7:30 ang simula ng klase. Sabay kaming naglalakad habang patuloy na lumalakas ang simoy ng hangin. Haaay, parang sa isang pelikula.
Napatingin ako kay Carl. Tumingin ulit siya sa akin at sabay kaming nagiwas ng tingin. Pumasok kami sa loob ng classroom. Maingay ang lahat at hindi sila nakaupo sa mga nararapat na puwesto. Ordinaryo na ito sa araw araw. Naghiwalay na kami ni Carl pagkapasok. Dumiretso siya sa barkada niya at ganoon rin ako.
Ngumiti ng makahulugan sa akin si Lucille. Pinsan at bestfriend ko din siya. Hinampas ko siya sa balikat pero yung mahina lang naman. Umaray siya sa sakit. "Letse ka naman Kate eh. Ang bigat kaya ng kamay mo." reklamo niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nakangiting tumingin sa may bintana.
"Ay grabe siya kiligin oh." asar nung isa ko pang kaibigan na si Bree.
"Pagbigyan niyo nga ako!" awat ko sa kanila habang tumatawa.
"Whooo! Landi mo HAHAHAHAH" asar nilang dalawa sa akin. Pinagpapalo ko sila noong notebook na hawak ko.
"Kanina mo pa ko sinasaktan, baka nakakalimutan mong captain ako ng Judo club!" pagmamalaki sa akin ni Lucille.
"Black belter kaya ako ng taekwando!" sagot ko sa kanya.
"Kayo na mahilig sa mga ganyan. Isa lang akong nerd eh. Pero at least alam naman natin na ako ang pinakamaganda sa ating tatlo." ika ni Bree at pinagpapalo namin siya ni Lucille pagkatapos.
"Girls, ang ingay niyo." Lahat kami napatingin kay Rose, yung president ng class namin.
"Sorry na pres!" sabi sa kanya ni Lucille saka nag-peace sign. Nginitian niya lang kami at inilapag sa desk ng upuan ko ang isang diyaryo. Magkakatabi kasi kami nina Lucille. "Nabalitaan niyo na ba?" tanong sa amin ni President. Tumingin ako kay Lucille at mukha namang wala rin siyang alam sa sinasabi ni President.
Humila si Rose ng isang upuan at itinapat sa amin. Umupo siya upuan sa harap ko at inilatag ang diyaryo. Mula sa isang pahina ay pinabasa niya sa amin.
"Sunod sunod na pagpatay sa Marianas" Iyan ang headline nu'ng article. Kinuha ni Lucille ang diyaryo at binasa ito.
"Walo. Walong tao na ang napatay." sambit niya.
"Serial killer?" may takot sa boses na tanong ni Bree. Tumango si Rose.
"Basahin niyo iyang article. Katabing bayan lang natin yung Marianas. Magingat kayo, okay?" paalala sa amin ni Rose, tumayo siya at saka umalis.
Hinawakan ako ni Lucille sa braso. "Lahat ng biktima menor de edad." ika niya.
"Ha?" tanong ko.
"Lahat ng biktima...halos kasing edad lang natin." sagot niya.
Napatingin ako kay Bree. Napayakap siya sa sarili dahil sa kilabot. "Gaano kalayo dito yung Marianas?" tanong ni Bree.
"Katabing bayan lang natin. Malapit lang talaga. Isang sakay lang ng tricycle siguro." sagot ni Lucille.
"Guys." tawag sa aming lahat ni Rose. Napatingin kami sa may pinto ng classroom at saka nakita ang paparating na teacher. Inayos namin ang mga upuan at ang mga sarili. Tumayo kami para batiin yung teacher at pinaupo kami.
Habang nakikinig sa teacher napansin kong ang higpit pala nung hawak ko doon sa notebook na nasa desk ko. Napalunok ako at napatingin kay Lucille. Tinitigan niya lang rin ako. Uuwi ako diretso sa bahay mamaya.