Una (Ikatlong Bahagi)

253 15 0
                                    

Nagkakagulo ng pagkarating ko sa school. Excited pa man din ako dahil baka makasabay ko ulit si Carl. Haaay, sana makasabay ko siya araw araw. Para naman hindi may gana akong pumasok palagi! Pero pagkarating ko sa school iba ang bumungad sa akin.

Sobrang dami ng tao. Ang nakapagtataka ay wala ang mga estudyante sa loob ng mga classroooms. Malaki ang school grounds. Naglakad ako papunta doon. hinahanap ko yung mga kaibigan ko. 

Natakot ako bigla dahil maraming police cars sa labas. Umagang umaga pero ramdam ko yung tensyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagkukumpol kumpol yung mga tao dito. Hinahanap ko pa rin sina Lucille at Bree.

Eh kung dumiretso na lang kaya ako ng classroom? Kaso 7:10 pa lang at 7:30 pa ang simula ng klase. Napatigil ako ng makita kung paano nagkukumpol kumpol ang mga tao. Pare-pareho silang may tinitignan sa bandang gitna ng school grounds. 

Sinubukan kong hanapin si Carl pero di ko rin siya makita. Nag-excuse ako sa mga tao dahil gusto kong makita kung ano ba yung pinagkakaguluhan nila. 

Maraming estudyante ang may nakatakip na panyo sa kanilang mga ilong, yung iba naman iniaangat na yung uniform nilang pangitaas at iyon ang ginagamit. Wala naman akng gaanong naamoy na iba.

Nang makalapit ako ay doon ko naamoy yung tila may nabubulok. Agad kong hinalungkat yung panyo sa bag ko at patuloy na nag-excuse sa mga tao para makalapit sa pinagtitinginan nila.

Pagkarating ko sa harapan ay napatigil ako ng makita ang mga pulis at ilang staff mula sa clinic namin. Mayroon ding kulay yellow na tape, yung ginagamit na parang barricade na humaharang sa mga tao, sa pulis at sa bangkay na nasa gitna ng school grounds.

Bangkay. Sa school grounds.

Natulala ako ng makita yung bangkay ng mabuti. Napahigpit ang kamay kong may hawak ng panyo. 

Babae yung bangkay. May suot pa ito ng uniform namin. Punit punit yung uniform, parang binuhusan rin ito ng putik. 

Luwa ang dalawa nu'ng bangkay. Nakanganga rin ito, pinapakita ang putol nitong dila. May saksak ito sa dibdib. At sa noo nito ay may nakasulat gamit ang isang kulay pulang likido: ikasiyam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikalabing-tatloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon