"Sis, may Leukemia ako. Matagal na. Hindi ko lang sinasabi sayo kasi ayaw kong masaktan ka." sagot ni Angie.
Unti-unting tumulo ang luha ni Bernie. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Para bang gumuho ang mundo niya nung nalaman niyang ang bestfriend niya na akala niya ay kasama niya hanggang sa pagtanda ay hindi na pala mangyayari.
"Sis natatandaan mo ba nung sinabi mong, ilang buwan nalang gagraduate na tayo kaya dapat wag na pekeme keme pa? Pinanghawakan ko yon sis. Kaya nag take ako ng risk. Umamin na ako sa feelings ko for you kasi hindi ko alam kung buwan ba o araw nalang ang hihintayin ko dito sa mundo." paiyak na sabi ni Angie.
"Sis sorry kung naging insensitive ako towards you. Hindi ko inisip yung feelings mo. I shouldn't have reacted that way. Sorry sis if you've felt like being dumped by your bestfriend. Sis, I love you kasi bestfriend kita and for me, having a bestfriend is more than having a relationship. Kaya nga diba, dapat palagi tayong magkasama hanggang sa pagtanda." sabi ni Bernie.
"I love you, bestfriend." sabi ni Angie.
"I love you more, bestfriend." sagot naman ni Bernie habang niyayakap si Angie.
—
Ilang araw nang naka confine si Angie sa hospital at araw-araw din itong dinadalaw ni Bernie. Doon na din minsan nag-aaral si Bernie para makapag catch-up si Angie sa mga lessons na na-miss niya sa school. Si Bernie na din ang nag aalaga kay Angie tuwing wala silang pasok.
Ilang araw nalang bago ang JS Prom nila. Everytime na tinititigan ni Bernie ang gown na isusuot niya, naiiyak nalang siya kasi naaalala niya ang kalagayan ng bestfriend niya at gusto niyang makasama ito sa special night na iyon.
One day, dumalaw si Bernie sa hospital to convince Angie na dumalo sa JS prom nila.
"Sis, aattend ka pa din naman sa prom diba?" tanong ni Bernie.
"Sis, gustong-gusto kong umattend pero parang hindi na kakayanin ng katawan ko. At nakakahiya naman aattend akong naka oxygen oh. Hindi nakaka-pretty." sagot ni Angie.
"Sis pretty ka pa din naman. Tsaka deadma sa kanila. Eh ano ngayon kung may oxygen ka? Edi best in costume ka na sis!" pabiro na sagot ni Bernie
"Lokaret ka talaga! Buti sana kung halloween party yung pupuntahan natin. Edi no need na mag effort!" sagot naman ni Angie.
Nagtawanan silang lahat sa kwarto.
"Sis, paano yung gown na isusuot natin? Diba twins tayo sa JS prom? Diba matagal na natin plano yon? Paano yon sis? Ayoko naman mag-isang gagawin yon." sabi ni Bernie.
"Sis, magpicture ka nalang ng madami tapos isend mo sakin, okay na sakin yon, matutuwa na ako." sagot ni Angie.
"Mrs. Perez? Can we talk outside?" sabi ng Doctor.
"Okay po, Doc." sagot naman ni Nanay Sonia.
"Ay sis, 9:00 pm na pala. Uuna na ako ha. Babalik nalang ako bukas sis. Tatay Felipe, mauna na po ako. Pakisabi nalang po kay Nanay Sonia umuwi na po ako." sabi ni Bernie.
"Okay sis. Mag-iingat ka ha?" sabi ni Angie.
"Oh sige anak, mag-iingat ka." sabi naman ni Tatay Felipe
Paglabas ni Bernie ay narinig niya ang usapan ng Nanay ni Angie at ng Doctor.
"... and Angie only have few months left to live." sabi ng Doctor.
Gumuho ang mundo ni Bernie dahil doon sa narinig niya. Umiiyak siya pauwi. Umuulan noon at wala siyang dalang payong ngunit hindi niya ito alintana dahil sa sakit na kanyang naramdaman noong narinig niyang may taning na ang buhay ng bestfriend niya.
YOU ARE READING
#StickyNotes
Short StoryThis is a short story of two bestfriends; Bernie and Angie. They both love each other so much that they're merely unbreakable until their friendship was put to test - a test that changed their lives forever