UNBREAKABLE FRIENDSHIP

41 1 0
                                    

The story is about a gay named Bernie and his girl bestfriend, Angie.


Bernie and Angie are childhood bestfriends.

Magkumare ang kanilang mga magulang at nasa iisang street lang ang kanilang bahay. May gulayan ang pamilya ni Bernie sa palengke at may sari-sari store naman sila Angie.

Simula pa noong bata sila, palagi na silang magkasama. Naglalaro ng bahay-bahayan, chinese garter, jackstones, tumbang preso, slipper game at kung ano pang larong kalye. Pero ang pinaka-paborito nilang laruin ay ang mga Barbie dolls ni Angie na dala ng kanyang tatay na isang OFW.

Sabay din silang nag-aral mula kinder, elementary, hanggang highschool at nasa iisang paaralan lang sila. Sa sobrang lapit nila sa isa't-isa, ayaw nilang napaghihiwalay.

Si Bernie ay may dalawang kapatid at lahat ay lalaki. Bunsong anak si Bernie at nung pinagbubuntis siya ng kanyang nanay, pinagdarasal nito na sana babae ang kanyang anak. Kaya nung lumaki si Bernie, hindi naging problema sa kanya ang pag kikilos babae sa loob ng kanilang tirahan kasi tanggap siya ng kanyang pamilya. At hindi din siya naging tukso ng panlalait sa kanilang lugar kasi ipinagtatanggol siya ng kanyang mga kuya.

Mahilig din si Bernie sumali sa mga gay beauty contest at binibigyan siya ng suporta ng kanya pamilya.

Bernie has a simple yet happy family. Although there are times na nag-aaway ang kanyang mga magulang dahil sa di pagkakaunawaan, di parin maaalis sa kanila ang pagmamahalan.

Si Angie naman ay nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. Guro ang kanyang nanay, at dating OFW naman ang tatay nito sa Canada. Pero simula nung nagkasakit ng Diabetes ang tatay ni Angie at nagka-depensya sa paglalakad, ay hindi na muna ito pinabalik sa ibang bansa para magtrabaho.

Patuloy padin sa pagtuturo ang kanyang nanay sa Seaside Elementary School habang ang tatay niya naman ang siyang namamahala ng kanilang maliit na sari-sari store.

Masaya ang pamilya ni Angie. At kahit minsan nahihirapan sila sa gastusin dahil sa pagpapagamot sa tatay niya dahil sa sakit na Diabetes, at si Angie naman ay may mahina na immune system kaya palagi itong nagkakasakit, makikita mo parin sa kanila ang pagiging matibay bilang isang pamilya.

Bernie and Angie likes do a lot of things together. Palagi sila magkasama. Sa lahat ng beauty contests na sinasalihan ni Bernie palaging nandyan si Angie para sumuporta.

They always support each other pati sa school activities. Sabay din silang nag-aaral tuwing may quiz at exams, sabay din silang gumawa ng school projects.

Palagi silang nagdadamayan sa lahat ng klaseng problema na para bang kaya nilang harapin ang lahat basta sila ay magkasama.

--- end of part 1 ---

#StickyNotesWhere stories live. Discover now