Jess' POV
Nandito ako ngayon sa kusina at malapit ko nang matapos ang paghuhugas ko
"ikaw kasi jess eh!!" Sigaw nanaman sakin xyl
Seriously? Kanina pa siya! Ulit-ulit? Bwiset!
Hindi na ako nakatiis at binalingan siya ng tingin
"pwede ba xyl? Manahimik ka nalang! Naka sampong ulit ka na eh! Di ka ba napapagod?! Bwiset!" Sigaw ko sakanya at agad na pinagpatuloy ang ginagawa ko
"oo na! Titigil na nga ehhh!" Sigaw niya sakin at tsaka tumahimik
Pero wala pang isang minuto ay nagsalita nanaman siya!
Hayssss !!!!!"pero alam mo jess?" Agad naman akong nagpunas ng kamay dahil tapos na akong maghugas at tsaka lumingon sakanya
"ano nanaman?" Tanong ko sakanya
"nakakatakot talaga si freya noh? Lalo na kapag galit siya..." sabi niya sakin
Agad naman nanindig ang balahibo ko nang maalala ko yung nangyari kahapon
Shemay! Nakakatakot naman talaga siya eh!!
Yun talaga si freya... napaka cold! Amputek! Hindi ko pa nga siya nakikitang umiyak eh!!
Sabihin niyo nang O.A ako, pero yun yung totoo... wag na wag mong susubukang banggain si freya dahil kaya kanyang patayin...
Kapag iniisip niya, gagawin niya talaga! Kapag sinabi niya, susundin niya talaga!
Magkasundo kasi ang isip at katawan niya... kapag sinabi niya o inisip niya, hindi siya mag dadalawang isip pa... gagawin at gagawin niya talaga yun...Buti pa nga si xyl eh! Nakita niya nang umiyak at tumawa si freya... eh ako? Hindi pa! As in never pa!!
"jess"
Nauna kasing amponin ni tito si xyl... sunod si freya, at one year pagkatapos amponin si freya ay don niya na ako inampon...
"jess"
Hayssss sana makita ko na siyang ngumiti... sana lang..
"uy jess!"
"oy jessica sandoval!!!!!" Napatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa mismong tenga ko
"ayyy ang pangit mo xyl!!" Sigaw ko dahil sa gulat
Agad naman siyang ngumuso
Yuck! As in yuck!"bat ka na naman ba sumisigaw?!" Pasigaw kong tanong sakanya
"pano ba naman kasi, kanina pa kita tinatawag di mo naman ako pinapansin" sabi niya na siyang kinagulat ko
Seryoso? Ganon na ba katagal ang pag iisip ko?
"bakit ba kasi?" Tanong ko sakanya
"anong bakit kasi?? Aalis na tayo! Shunga lang teh?!" Mag te-ten na ng umaga!" Sigaw niya sakin
"oo na! oo na! Ito na nga eh!" Singhal ko sakanya
Agad naman akong lumabas nang kusina at pumunta sa sala
Nakita ko si Freya na nakahiga sa couch... natutulog nanaman siya.. hayssss
"freya" sabi ko sakanya at niyugyog siya ng konti
"mmmm"
"gising na.. aalis na tayo" sabi ko na siyang ikinamulat niya nang mata
"what time is it?"tanong niya at tsaka umupo
"10am" maikling sabi ko sakanya
"okay.. hinatayin niyo ako dito" sabi niya sakin at tsaka umakyat patungo sa kwarto niya
Sana freya...
Sana ipakita mo naman samin na masaya ka...
Ipakita mo na sana samin lahat ng emosyon...
Iparamdam mo naman sana samin ang nararamdaman mo...~~~~~~~~~~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/221802062-288-ke9ba38.jpg)
BINABASA MO ANG
~Magic Academy~the Long Lost Legendary Princess~
ФэнтезиIsang babaeng hiniling ang simpleng buhay... Simple ngunit masayang buhay... Isang babaeng hinangad ang kompletong pamilya... Isang babaeng may mabuting puso... Ngunit... Isang trahedya ang darating... Trahedyang dudurog sa kanyang puso... Trahedyan...