~continuation of chapter 6~

85 0 0
                                    

Freya's POV

'booogsshhh'

'Paaaaakkkk'

'Blaaaaaaaag'

Tunog ng mga pagsabog maririnig mo sa isang palasyo

'please eliza, save her'

'no drake i won't leave you here'

'save her, habang wala pa siya'

'but------'

'don't worry, we'll be fine'

'then I'll be back'

Umalis ang babae daladala ang isang sanggol, hanggang sa mapunta siya sa isang karagatan... iniwan niya ang sanggol duon at muling bumalik sa kanyang tahanan

'I'm sorry.... I'm sorry my daughter...' naluluhang sabi ng babae

'don't worry, we'll see each other again anak... I'll will wait for you ra-----'

"freyaaaaaa!!!"

Blaaagg

"arayy! Puchaa! Sinong hampas lupa ang nanggigising sakin?!"
Sigaw ko nang mahulog ako sa kama

Ang sakit! Putspa! 

Agad akong tumayo at dumeretso sa pinto at binuksan ito

Bumungad sakin si xyl na alanganing ngumiti 

"good morning" masayang bati niya sakin

"tsssss.. walang good sa morning lalo na't ang pangit mong mukha ang bubungad saakin" seryosong sabi ko sakanya 

"ang sam----"

Di ko na siya pinatapos mag salita at agad na sinarado ang pinto ng kwarto ko 

Haysssss

"wahhh! Ang bad mo talaga!muntikan nang matamaan yung gwapo kong mukha!"
Napailing nalang ako sa narinig, kahit kailan talaga ang hangin niya...
Haysss walang pinagbago

Dumeretso ako sa banyo at naligo.. malamang alangan naman magluto ako rito noh? Anong paglulutuan ko? Inidoro? Luh! 
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng naka white robe...
Dumeretso ako sa walk-in closet ko para mag bihis 
Mag susuot ako nang black jeans, black-grayish na long sleeve, white shoes at dinala ko rin ang gray na cap ko...

Yan lang ang susuotin ko ngayon..

Habang nag bibihis ako, naalala ko yung panaginip ko, ano bang meron dun? hayssss so weird

Pagkatapos kong mag bihis ay pinunasan ko muna ang napaka haba kong buhok at tsaka lumabas sa kwarto...

Nakita ko silang nasa mesa na at hinihintay na lamang ako..

"good morning freya" masayang bati sakin ni tito

"morning" bati ko pabalik sakanya

"bat ang daya? Bat si tito lang ang may good morning? Pano kami ni jess?" Agad namang binatukan ni jess si xyl dahil sa sinabi niya

"gago wag mo kong idamay!" Sabi sakanya ni jess na ikina nguso niya

Ewwww! Nagmumukha siyang pato hahaha!

"gusto mong malaman kung bakit hindi ko kayo binati? Kasi di ako bumabati sa mga pangit"sabi ko na lalo niyang ikina nguso

Natawa naman si jess at si tito sa inasta ni xyl

"tito" tawag ko kay tito

"oh? Bakit ija?" Tanong ni tito habang natatawa pa

"bakit di mo ako sinabihan na may kasama pala tayo ditong pato?" Tanong ko na siyang ikanahagalpak na nila ng tawa

"HAHAHAHAHAHA w-wag ka hahaha kasing ngumuso xyl hahaha" natatawang sabi ni jess

"ang sama niyo sakin" sabi samin ni xyl

Pero ang gago nakanguso parin!

"ngayon mo lang nalaman?" Tanong ko sakanya tsaka umupo sa pwesto ko

"ewan ko sainyo!"taray niyang sabi samin

Haysss pano ko nga naging kaibigan to? 
Grabe ang isip bata niya, at hindi lang yun,
Talo niya pa babae kung manaray eh

Tsssss

"hmmm... ready na ba kayo para mamaya?" Tanong samin ni tito

Huh? Anong mamaya? Anong meron?

"ready na kami!" Sabay na sabi nila xyl

"huh? Anong meron?" Takang tanong ko habang kumakain ng tinapay

"ija, ngayon na ang alis niyo papunta sa bago niyong school" paliwanag sakin ni tito

Tumango tango ako nang maalala ko na...
Oo nga noh?
Pupunta na pala kami dun sa school na maraming nautangan at hindi na makapag bayad kaya nagtago

"oo nga pala" 

"ngayon mo lang naalala?!" Sabay na tanong sakin nila xyl at jess

"ay hindi, hindi! Bukas ko pa maaalala bukas pa! Tsss!" Singhal ko sakanila
Obvious naman eh tinatanong pa..
Duh!

"o siya, di niyo na kailangang mag dala ng maraming gamit dahil meron na kayong damit doon"sabi samin ni tito

Tumango-tango nalamang ako at tsaka pinagpatuloy ang pag-kain ko

"nga pala freya" baling sakin ni xyl

"oh?" 

"bakit di ka nagsuklay?" Tanong niya sakin habang nakaturo sa buhok ko

"tinatamad ako" nabuga naman ni jess ang iniinom niyang gatas sa mukha ni xyl 

Hahahahaha gago !!!

"ay puteeek!! Ano ba naman yan jess!!" Singhal sakanya ni xyl habang pinupunasan ang mukha niya

"pano ba naman kasi ginulat ako ni freya... sabihin ba namang tinatamad siyang suklayan ang sarili niyang buhok? Seriously? Eh ako nga di ako makalabas ng kwarto ko pag hindi pa ako nakakasuklay" paliwanag naman ni jess Pero di ko pa rin sila pinansin at tinuloy ang ginagawa

agad naman akong tumayo nang matapos na akong kumain at dumeretso sa sala

"hay nako... hugasan mo yang mukha mo xyl, at ikaw naman jess maghugas ka na ng plato..."
Narinig ko pang sabi sakanila ni tito

"opo" sabay na sabi nila
Bait na bata... tssss.... isip bata naman
Haayyysss

"pakitawag na rin sila manang para kumain" sabi ulit ni tito

Narinig ko naman ang mga hakbang nila papunta sa kusina

Ganito kasi kami lagi...
Hindi namin inaasa ang gawain sa mga maids namin, tatlo lang ang maids namin at apat naman ang butler

Si manag lea ang nagaasikaso sa first floor, habang si manang layla sa second floor, at si manang sheila naman ay sa third floor... hanggang fourth floor lang ang mansion namin, hindi pa sila nakakapunta sa fourth floor, at sa underground..

At yung mga butler naman, si butler jake, kasama siya lagi ni tito.. si butler kent naman ako ang amo niya habang si butler kevin, siya ang butler ni xyl.. at si butler fred, siya ang nag babantay kay jess... parang guard ganon..

Tinuturing namin silang pamilya namin, mababait naman sila at mapagkakatiwalaan ..

Narinig ko pa silang naguusap pero di ko na sila pinansin at tyaka humiga sa couch

And everything went black

~~~~~~~~~~~~~~~

~Magic Academy~the Long Lost Legendary Princess~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon