Narration
I got up from my bed after texting Ken saka hinablot ang jacket ko.
What's gotten into him? Kung hindi lang ako inaatake ng insomia ay hindi ako papayag sa sinasabi niyang "stroll".
Magaan ang mga yapak na ginawa ko. Baka magising sila mama at mahuli pa nila ako sa ginagawa ko.
Pagbukas ko ng gate namin ay nakita ko sa tapat ng tindahan namin si Ken. Tinatampal ang mga braso.
"Hoy mukha kang timang." Tawag ko kaniya para malaman niyang nandito na ako.
"Andaming lamok sa tapat ng tindahan niyo." Sagot niya habang tumatayo.
"Saan ba tayo pupunta?" I asked him.
"Hindi ko rin alam." He answered then gave me a smile.
Putangina. Anong hindi niya alam?
"What? Babalik nalang ako sa loob." Inis na sabi ko at nagsimulang maglakad papasok sa gate namin. Aksaya sa oras ang taong 'to.
"Sandali lang naman. Asar agad e. Diba nga sabi ko stroll." Pagpigil niya sa akin habang hawak ang braso ko. Binitawan rin niya naman iyon agad nang marealize niya yung ginawa niya.
"Tangina kasi, nagyayaya walang plano." Inis kong saad sa kaniya.
"Tara na." Yaya niya sa akin habang hawak ang kamay ko.
Hinatak niya ako at pinapayaan ko nalang siya kung saan kami pupunta.
"Alam mo Marion, pasmado pa rin ang kamay mo." Komento niya habang mabagal kaming naglalakad.
"Alam mo Ken, tangina mo parin." Inis kong sagot sa kaniya. "Akin na nga tong kamay ko." Dagdag ko pa habang pilit na kinukuha yung kamay ko sa kaniya.
"Joke lang. Namura nanaman ako." Hindi siya ngapatinag sa akin at mas hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy kami sa paglalakd.
"Tangina." Yun nalang ang nasabi ko.
"Hindi mo kayang hindi magmura sa isang araw no?" Tanong nanaman niya sa akin.
"Pake elam mo? I can cuss whenever I want." Sagot ko sa kaniya.
"Active ka pa mandin sa church." Rebut niya.
"Anong connect non Ken?"
"Wala, tara bili ng instant noodles." Yaya niya saka ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng 7/11.
Nauna siyang naglakad papunta sa shelf na puno ng iba't ibang klase ng instant noodles.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala, wala akong baong pera." Saad ko habang inaantay siyang mamili ng kakainin niya.
"Pili ka lang ng gusto mo, my treat." Sabi niya sa akin kaya naman dumampot nalang ako ng isang cup noodle at iniabot yun sa kaniya.
Nang makapag bayad na siya ay hinanda na namin yung noodles.
"Tara kainin natin doon sa play ground." Yaya niya sa akin.
Dumiretso kami sa sinasabi niyang play ground. Ilang taon narin simula nang huli akong nakapunta rito.
Umupo kami sa may swing at nagsimula nang kumain.
"Naalala mo noong mga bata tayo, nung panahong uhugin ka pa—"
"Shut up Ken." Pagpuputol ko sa sasabihin niya.
Bakit kailangan pang sabihin na uhugin ako?
"Noong uhugin ka pa. Dito tayo naglalaro. Hindi ko pa noon kilala yung tropahan e." Pagkekwento niya habang nakangiti.
"Oo tapos ikaw na patpatin na palaging nadadapa." Sagot ko naman.
I remembered one time, when we're around 7 years old. He was running towards me habang hawak ang ice cream namin. Sa sobrang lampa niya, he stumbled, causing our ice cream to fall. I cried that time kasi naman last na pera ko na yung pinangbili ng ice cream na iyon. Samantalang siya ay tawa lang ng tawa.
Good old days.
"Akin na yang pinagkainan mo." Sabi niya nang mapansin na ubos na rin ang laman ng cup ko.
Matapos non ay tumayo siya para itapon iyon sa basurahan sa gilid ng play ground.
"Woah ang daming stars." Manghang saad niya habang nakatingala sa kalawakan.
"Tignan mo Marion, andaming bituin." Parang bata niyang sabi sa akin.
Tumingala na rin ako at pinagmasdan ang mga bituin sa kalawakan.
"Sabi nila yung mga stars raw ay mga guardian angel natin." Saad niya na ikinakunot ng noo ko.
Puta, sinong maniniwala sa sinasabi neto.
"Saan mo naman nakuha yan. Nakikinig ka ba sa science teacher mo? Stars are big exploding balls of gas, duh." Sagot ko sa kaniya.
"Kaya nga ako nag ABM kasi ayaw ko sa science. Tsaka ano bang masamang maniwala sa sabi sabi?" Pangangatwiran niya pa.
"Antanda mo na para maniwala sa sabi sabi, Ken."
"Alam mo Marion, first time na may kasama ako sa ganito." Pagbubukas niya ng panibagong topic habang nakatingin parin sa itaas.
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"Yung may kasama sa ilalim ng kalawakan. Yung may kasamang mamangha sa ganda ng mga bituin sa langit." This time, he is staring at me.
"I'm happy that I've got to experience this with you." Dagdag niya pa. I don't know what to say or what to feel.
Seems like cat got my tongue. He stayed there, staring at me with his wide smile. And I swear that moment, I saw the galaxy inside his eyes.
What the fuck is happening to me?
BINABASA MO ANG
k.l.w.k.n // 𝖐𝖊𝖓 𝖘𝖚𝖘𝖔𝖓 ✔️
FanfictionSaBog19 series #1: k.l.w.k.n "Pabiling ice, yung singlamig mo." where in Ken, yung paboritong kapit bahay ng mama mo at paboritong sabong buddy ng papa mo ay halos minuminutong bumibili ng ice sa inyo at gusto pa, hinahatid! Kung hindi naman namamak...