106

292 20 12
                                    

Narration

Dahan dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Napahilot nalang ako ng temple ko at saka humikab. Paano nga ulit ako nakauwi kagabi?

Tangina, hindi ko na alam kung anong pinag gagawa ko sa party ni Sam. Ang sakit pa ng binti ko kaka pedal sa pedi cab ni Josh. Akala ko nagbibiro lang si Ken napaka kupal.

Sandali, gago bat parang may nakalimutan yata ako? Di naman ako nalasing kagabi kasi  konti lang naman yon, tsaka sure akong mag susumbong si Stell kay mama kapag nangyari yon. Akala mo siya hindi uminom e.

My train of thoughts were cut when my phone notification rang.

Marion nasa tapat na ako ng bahay niyo.

Nanlaki ang mata ko sa message ni Ken.

Sandale potangina, naguguluhan ako? Bat niya ako susunduin ha? Bakit?! Anong nangyari kagabi?!

Ken

Sundo

Party ni Sam

Pota shet anong ginawa ko?!

Flashback

"Tangina bukod kay Jah hehe, ambibigat niyo. An sakit ng binti ko kakapedal." Reklamo ko sa limang lalaking kasama ko nakakababa lang sa pedi cab ni Josh. Di ko nga alam kung paano kami nagkasya dito.

"Kalalake niyong tao pinapahirapan niyo yung babae." Dagdag ko pa saka sila sinamaan ng tingin.

"We promote gender equality here." Saad naman ni Stell kaya naglakad nalang ako papasok.

Grabe ang ingay na agad, ang aga palang.

Pustahan tayo wala yung parents ni Sam kaya malakas magpa-party ng ganito kagulo.

"Babae! Buti nalang pinayagan ka." Bungad sa akin ni Ayessa na may hawak ng shanghai sa kamay.

Ayos, may pambansang handa sa birthday-han.

"Malamang, laki ng tiwala ng magulang ko dyan kay Ken. Di nila alam inaalila na ako." Pagrereklamo ko.

"Wow, hiya naman ako sa ilang taong pagsusungit mo sa akin." Singit ni Ken na nasa likod na namin.

"Uy Ayessa, maraming handa?" Singit naman ni Josh.

"Oo, punta lang kayo sa loob nandoon sila Sam."

"Pasok na kami ha." Pagpapa alam naman nila Stell.

"Oh, bat di ka pa pumasok ha?" Tanong ko kay Ken na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa likod ko.

"Babantayan daw kita sabi ni mama—este tita." Sagot niya. Lakas maki mama netong kupal na to.

"Ano ako bata? Grabe, bahala ka dyan." Inis kong saad sa kaniya.

Ano yun, anino lang po boss?

"Nga pala, nandyan sa loob si Tupe a." Paalala sa akin ni Ayessa.

k.l.w.k.n // 𝖐𝖊𝖓 𝖘𝖚𝖘𝖔𝖓 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon