"Get off your hands" agad ko na man yung tinangal.
"Hoy!! Ikaw may kasalanan ka pa sa akin ahh bakit mo binato yung bola sa akin? Mukha ba akong ring ha?!" sabi ko sa kanya habang naka turo ang isang daliri ko sa mukha niya.
"Hindi ko yun sinadya, okay ka na ba?" sabi niya na may pag-aalala sa tono.
Wtf? Hindi sinadya? E nawalan nga ako ng malay tapos ganon na lng!! Ang lakas kaya ng pag bato niya na agad kong kinahilo!!tch.
"Ahhhhhh hindi mo sinadya?"
*PaAak
Di ko na napigilan ang sarili ko gigil na gigil na ako sa kanyang pag mumukha dahil sa ginawa niya akala mo kung sino mukha na mang unggoy.
"Wtf!?" mahinang sabi nya na akala namang hindi ko maririnig yun. May mga nakakita sa ginawa ko pero wala akong pake alam.
Agad na man akong tumakbo papalayo sa kanya. Huminto muna ako saglit para tignan siya hindi pa rin siya umaalis sa kanyang tinatayuan habang ang kanyang isang kamay ay nasa pisngi niya kung saan ko sinampal.
Sumakay na ako ng jeep pabalik sa amin 9:45 na ng umaga kaya marami pa akong time para gawin ang mga gagawin ko. Pagkabalik ko ng bahay ay agad akong sinalubong ni manang.
"Manang" tawag ko sa kanya nag lilinis kase siya.
"Andyan ka na pala kamusta lakad mo?" Sabi niya habang nag wawalis ng sahig.
"Ok lng naman po manang, namiss ko tuloy si king matagal na din kase akong hindi nakakapunta doon madaming bumabalik na alaala noon bata pa kami" malungkot ko na sabi agad na mang lumapit si manang sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Huwag kang mag alala gagawa ang tadhana na mag kita kayo kung tinadhana nga kayong mag kita, pagdadasal mo na sana mag kita kayo okay ba yun iha?" masaya niyang sabi at bumalik sa pag wawalis ng sahig.
"Thankyouuu manang i hope magkikita kami. At kung mag kita man kami ay bibigyan ko siya ng mahigpit na hug kase naman ang tagal na diba hindi kami nag kita" sabi ko sa kanya habang nag wawalis siya.
"Sobrang tagal na nga"
"At sana hindi niya ako malilimutan at mga pinagsamahan namin" malungkot kung sabi habang naka yuko ang ulo ko.
"Gusto mo ba sya iha?" straight to the point na sabi ni manang na agad ko naman kinagulat. "Alam kung bata pa kayo noon pero pwede naman mag ka gusto kahit bata ka gaya ng crush crush diba? Ikaw ba crush mo ba siya?"
"Manang naman bestfriend ko yun" sabi ko sa kanya at umupo sa couch habang patuloy parin siyang nag lilinis sa sala.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko" tinignan niya ako habang hinihintay yung sagot.
"Dati lng naman yun manang crush ko po siya pero hindi ko sinabi sa kanya kase nahihiya ako noon saka bata pa naman kami hindi pa naman namin alam yung love love na yan. Sa palagay mo manang crush din ba niya ako dati noong bata pa kami?" tanong ko sa kanya.
Si king ang una kong crush dahil siya lang ang kasama ko at pinapasaya niya ako nalulungkot lang ako kase umalis kami dito sa Manila noon kase pumunta kami ng cebu at doon kami tumira how many years kase andoon bussiness nila mommy at daddy at ngayon bumalik kami dito kase kailangan ko mag aral dito madami na mang school doon pero dito ang gusto nila mommy. Pagbalik ko ay wala na rin si king. Lumipat na rin kami ng bahay dahil binenta na yung dating bahay namin.
BINABASA MO ANG
Catch My Feelings For You
Teen FictionBlythe Reyes she is acting like a nerd.One little thing blythe had to do to have a great start her new school.But she is wrong because some students hate her.She is have a perfectly normal life,that's she's perfectly happy. But she makes the biggest...