Caela Amari.
Hating-gabi na ngunit hindi pa rin ako makatulog. Naka-ilang ikot na ako sa kama sa kahahanap ng magandang pwesto ngunit wala. Hindi talaga ako dalawin ng antok.
Malakas pa rin ang ulan sa labas na sinabayan pa ng malakas na hangin na dahilan ng paulit-ulit na pagtama ng mga sanga ng puno sa salaming bintana ng aking silid.
Isang bagay pa na dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay dahil hanggang ngayon, makalipas ang isang linggo mula ng lumipat kami sa bahay na ito ay namamahay pa rin ako. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nasasanay sa bago naming bahay, hindi pa rin ako masanay sa bago naming buhay.
Hindi naman kami sobrang yaman noon pero masasabi kong mas maayos ang buhay namin noon sa Deltore kaysa ngayon sa maliit na bayang ito.
Magaan ang buhay namin doon. We could easily get what we want. I could easily get what I want. If I want a new pair of designer shoes, bags, clothes and accessories, I could just simply tell my parents about it and they would get it for me. They would get anything for me and for my brother. But now, hindi na pwede ang ganun. Hindi na pwedeng puro luho dahil kailangan naming unahin ang pangangailangan namin sa araw-araw.
Why? Dahil wala na kaming pera. Wala na ang malaking bahay, mga sasakyan at mga negosyo. Lahat wala na. Naubos ang lahat ng mga ari-arian namin dahil sa pagpapagamot ni Dad, pero sa huli, iniwan niya rin kami. Hindi niya rin kinayang labanan ang kanyang sakit.
He was defeated in his war against cancer.
That was a month ago. Sa ngayon ay ang natirang pera sa trust fund na para sana sa pag-aaral namin ng kapatid ko ang ginagamit namin na pantustos sa pang araw-araw naming pangangailangan. Ang huling pera na nakuha namin sa mga pinag-bentahan ng mga ari-arian namin ay naibili namin ng isang maliit na bahay dito sa bayan ng Vermont.
This small town was located farther north. Malayo sa lugar kung saan ako ipinanganak at lumaki. In this rainy town, we don't know anyone. Walang kamag-anak o kahit na kakilala. Mom prefer it that way.
After my father died, my mom wants us to start a new. Sa lugar na malayo sa mga taong nakakakilala sa amin. Mas mabuti na rin ang ganito, na walang nakakakilala sa amin. Walang magtatanong. Walang may pakialam.
Sa sumunod na araw ay umuulan pa rin ngunit hindi na kasing lakas ng nagdaang gabi. Medyo mahina na rin ang hangin pero tagos pa rin sa buto ang lamig. Ewan, normal na 'ata ang ganitong klima sa lugar na ito. Sabagay, mabundok at napapaligiran pa ng kagubatan ang bayang ito kaya siguro talagang malamig ang simoy ng hangin at palaging naulan kahit wala namang bagyo.
"I think I'll try to find a job later, Mom."
Dalawang pares ng mga mata ang kaagad na tumutok sa akin nang sabihin ko iyon. Ibinaba ni Mom ang hawak na kubyertos saka inabot ang baso ng tubig at kaagad na uminom bago muling bumaling sa akin. Si Caleb naman ay walang pakialam na nagpatuloy na muli sa pagkain. We are having our lunch.
"You need to continue your studies, Mari." I sighed. Alam ko naman iyon pero sa lagay namin ngayon, mas kailangan kong magtrabaho kaysa mag-aral.
"I know, Mom. But I want to help." Katuwiran ko.
"Mari, you're in third year already. Isang taon na lang at ga-graduate ka na. Mas makakatulong ka kapag nakapagtapos ka na. You'll have better job opportunities." Inabot niya ang kamay kong nakalapag sa mesa at bahagya iyong pinisil.
"I know you want to help our family and I'm very thankful for that but you promise your Dad that you will finish your studies. Iyon na lang ang maipapamana namin sa inyo." Sadness laced her voice.
