Prologue

73 3 1
                                    

August 26, 2018
2:38 PM

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili habang naka-sakay sa kotse na na-ipundar ko noong nagta-trabaho pa ako. ’Di alintana ang mga sumusunod na kotse ng mga media at mga fans ni Calixo—ang magaling kong ka-loveteam.

Habang palapit nang palapit sa baranggay na kinalakihan ko noong bata hanggang sa magdalaga ako ay makikita ang naglalakihang posters at tarpaulin na may mukha ko at ipinalalandakan na taga-roon ako sa lugar nila.

From: Sophia Ladybelle’s friends and supporters.

Napa-iling na lamang ako nang mabasa kung kanino galing ang mga poster at tarpaulin. Napansin ko naman si Mang Felipe na naka-ngiti habang nakatingin sa akin sa rear view mirror ng kotse, tila may ipinahihiwatig ang tingin at ngiti niya.

“Mang Felipe, sigurado ka ba na alam ni Mommy at ng kapatid ko na uuwi ako?” tanong ko sa kan’ya at ibinalik sa loob ng bag ang lipstick.

“Oo naman po, Ms. Ladybelle. Nagpaluto pa nga ata si Ma'am Fiona para sa ’yo.” Napa-iling ako, masasayang naman ang iniluto ni Mommy dahil akala n’ya siguro kasama ko ang mga kaibigan ko na uuwi sa bahay.

“Ms. Ladybelle, bakit nga pala kayo umalis sa industriya? Hindi ba kayo nanghihinayang? Maraming tao ang nangangarap na maging katulad mo.”

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga sinabi ni Mang Felipe. Kung alam n’yo lamang ang nangyayari, maiintindihan n’yo sana ako.

Nang makarating sa tapat ng aming bahay ay bumaba na ako ng kotse. Hindi na ako nagulat dahil biglang nagsulputan ang mga media at paparazzi sa gilid ko.

Bakit ka nga ba umalis sa industriya? Hindi ba sapat ang perang sinusweldo mo?”

Tunay ba ang alegasyon na may relasyon kayong dalawa ng boyfriend ng co-actress mo na si Lincoln?”

Mabaho ba ang hininga ni Calixo kaya ka umayaw sa next movie n’yo kung saan may kissing scene?”

“Ms. Sophia! Bumalik ka na, gusto na uli namin makita ang CALIA!”

CALIA pa rin hanggang sa huli!”

Kaniya-kaniya nang dalang camera at video cameras ang mga tao. Nabibingi na ako sa mga tanong nila, medyo natutulak na rin ako dahil sa mga siksikan nila upang mapalapit sa akin.

Nahihilo na ako dahil napalilibutan nila ako. Ang nais ko lamang naman ay umuwi na sa bahay at mahiga sa k’warto ko at gugustuhin ko na lamang ang magkulong sa bahay kaysa pumasok sa araw-araw na plastikan kasama ang mga ka-trabaho ko. At mapahamak ang buhay ko.

Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng pinto, napa-irap na lamang ako sa hangin habang ini-lo-lock ang pintuan ng aming bahay.

“Haggard ka na ate.” Halos mapatalon naman ako sa gulat. Nakangiti ang kapatid kong si Francis habang may hawak na plato—nagluto nga ata si Mommy.

“Oh, anak! Narito ka na pala, hindi ka man lamang nagtext o tumawag sa ’min na malapit ka na, hindi ka tuloy namin na-surprise.”

“Mommy, maraming tao sa labas, kung anu-ano tinatanong nila sa akin. Sa tingin mo ba makakatawag pa ako?,” sabi ko at na-upo sa sofa. Na-miss ko ang bahay na ’to.

The PuppeteerWhere stories live. Discover now