Chapter 1-The First Doll

65 4 0
                                    

Chapter One – The First Doll

Kinakabahan ako, unti-unti kong naririnig ang mga yabag ng kan’yang mga paa. Siguradong ano mang oras mula ngayon ay matutunton na n’ya ako. Wala akong kalaban-laban dahil sugatan na rin ako at kailangan ko nang magpahinga, maaaring mamaya ay mawalan na ako ng malay dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin.

Mamaya-maya pa ay naramdaman ko ang kan’yang presensya sa gilid ng tukador na kasalukuyan kong tinataguan. Ito na siguro ’yon.

“Aaahhh!” sigaw ko nang napakalakas. Ibinuhos ko ang lahat ng aking makakaya upang maging makatotohanan ito.

“Okay, cut! Cut!” dinig kong sigaw ni Direk.

Dumilim ang paligid, kaya lumabad ako mula rito sa cabinet na kinalalag’yan ko at ipinagpag ang suot kong damit na may bahid ng fake bloods. Napa-irap ako sa hangin dahil sa mga titig nila sa ’kin, lalong-lalo na si Calixo na nasa tabi lang ni Direk.

“Sophia! Horror movie ang ina-act mo, horror movie! Hindi 'yung para kang nakakita ng guwapong lalaki.”

“I'm sorry, Direk. Hindi ko talaga kayang sumigaw na parang natatakot talaga ako. I'm sorry.” Napayuko na lamang ako sa narinig na bahag’yang tikhim mula sa mga staff.

Ito ang unang beses na pakiramdam ko ay napahiya ako. Aaminin ko, hindi ako professional na tipong isang basa lamang sa script ay magaling na. Apat na taon pa lamang ako sa industriya at ito ang unang beses na bibida ako sa isang horror movie.

Napatingin ako sa gawi ni Calixo, hindi na siya nakatingin sa akin kaya nakahinga na ako nang maluwag. Paniguradong kahihiyan na naman ang nagawa ko, at nadamay pa siya.

Calixo Verano is one of my crush back when I was just a college student at hinfi pa ako nagiging ganap na artista. Pangarap ko noon na makilala siya, pero sad’yang malupit ang mundo. Akala ko noon, gentlemen talaga siya, mabait at may puso, pero nagkamali ako nang makilala na siya.

Una kaming nagkasama sa isang pelikula kung saan pareho kaming supporting role ang ginampanan namin. Napansin ng mga boss namin na nag-click ang tambalan naming dalawa kaya namab binuo nila anf CALIA–pangalan ng fansclub namin. ’Yon ang naging big break ko sa industriyang ito. Dahil kay Calixo hindi na lang ako supporting actress.

Maraming sumuporta sa loveteam naming dalawa, maraming babae rin ang naiinggit dahil kasama ko palagi si Calixo kahit na saan. Mas’werte? Oo dahil tumatak ang pangalan ko sa industriya, pero malas dahil sa ugali n’ya.

Naalala ko lang ’yung inasal n’ya sa harap ng pamilya ko. Hindi n’ya pinapansin sina Mommy kahit na kinakausap s’ya. ’Yung mga pagyayabang ni Calixo na ang bahay niya ay apat na beses ang laki sa bahay namin.

Lagi rin akong iniiwan ni Calixo sa mga bar at parties kapag magkasama kami. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang ugali niya.

On cam, magkasundo kami at sweet sa isa’t isa, pero kapag off cam na, hindi na niya ako kinakausap.

Ilang sandali pa ay nawala na ang tens'yon sa loob ng gusali na pinagsho-shooting-an namin dahil sa narinig naming sigaw na nagmumula sa isang cubicle sa comfort roon ng mga babae.

Dali-dali kaming nagtungo roon dahil hindi basta-bastang sigaw ang aming narinig, para itong namimilipit sa sakit at kailangan ng tulong.

“That’s how you should scream, babe.” Inirapan ko si Calixo at nagmadaling sumunod sa mga staff patungo sa pinanggagalingan ng boses.

Napasinghap ako sa aming nadtnan. Naliligo na sa sariling dugo ang co-actress ko na si Klea. Halos mabuwal din ako sa aking kinatatayuan nang ilabas na nang tuluyan si Klea mula sa loob.

Wala na siyang malay dahil siguro sa sobrang daming dugo ang nawala sa kaniya.

Sugatan ang kan’yang mga braso hanggang sa kan’yang mukha, para siyang hiniwa-hiwa na animo’y hayop. Napansin ko rin ang kan’yang mga braso na may nakabaon na pisi na nakatali sa kan’yang balat, sa sobrang higpit ay  halos maputok ang kaniyang pulsuhan at siko.

Paano nangyari ito? Marami kaming narito sa loob at walang naka-pansin sa nangyari? Paano ’yon?

Agad na dinala si Klea sa ospital dahil sa matinding sugat sa katawan na hindi kayang lapatan ng first aid lang 

Kapansin-pansin din na tila braso lamang ang sugatan at hindi apektado ang kan’yang tiyan pababa sa mga hita at kaniyang mga paa.

“Let’s call this as a day, pack your things. Mag-iingat kayo sa pag-uwi!” sigaw ni Direk saka kinuha ang kan’yang gamit.

“Walang mag-ti-tweet o maglalabas ng nangyari kay Klea.” Tumango kaming lahat at nag-ayos. Umalis na si Direk kasama ang iba pang staff para ihatid si Klea sa ospital.

“Tsk, tsk. Kaya ikaw babe, mag-ingat ka.”

“Tumigil-tigil ka nga, Caca,” singhal ko.

Napansin ko na wala ng mga tao sa paligid na halatang nagmadali umalis, tanging ako, si Calixo at maintenance ang naiwan.

Huminga ako nang malalim saka naglakad palabas ng tent. Napansin ko naman si Calixo na naglalakad na rin kasabay ko.

“Ah, Can I walk you home?”

“Bakit parang nag-iba ka ngayon?” tanong ko dahil nakakapanibago ang inasal n’ya ngayon.

“Ayaw ko lang na may masamang mangyari sa ’yo, masama ba ’yon?” sabi niya habang seryosong-seryoso ang mukha.

“Whatever, sa condo mo na lang ako ihatid.” Mabilis siyang ngumiti at kinuha sa akin ang bag ko. Mamaya-maya pa ay lumapit siya sa akin at may ibinulong.

“I'm doing this for the fans, may mga camera sa paligid.”

———————1616———————

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The PuppeteerWhere stories live. Discover now