Kabanata 20

10 3 0
                                    

E a r t h a z i e l 's P.O.V

Napagdesisyunan kong umuwi ng maaga galing sa trabaho. Wala naman akong masyadong ginagawa dahil wala pang project na naiatas sakin.

Ang ginawa ko lang buong araw ay magbasa ng kung anu-ano at kung minsan naman ay gumagawa ako ng blue print.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ko. Tumambad sakin si Engr. Yuje na halatang kakarating lang rin.

Sinalubong niya ako ng yakap at hinalikan sa aking sintido. Siniko ko siya ng may paparating na isa ring Architect na nagtratrabaho dito.

"Nakahuli ng isang Engineer ang isang Architect. Bagay na bagay." saad ni Architect Smith. Pagkatapos ay nginitian kami at umalis na.

"Wala kang sinasabi na pupunta ka rito. Gawain mo na ata ang puntahan ako ng walang pasabi." sabi ko sakaniya ng hinila niya ako para lumabas na ng building.

"Ilang beses na kitang tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Kaya pinuntahan kita dito." Yuje.

"May ginagawa kasi ako. Hindi ko alam na tumatawag ka pala." mahinang paliwanag ko.

"Bakit nga pala ang aga mong pumunta rito? Wala ka bang trabaho?"

"Walang masyadong ginagawa dahil wala pa naman kaming panibagong proyekto."

Tumango na lamang siya at huminto na kami sa may parking lot.

"Sabay kana sakin. Ihahatid na kita." alok niya sakin.

"May dala akong sasakyan eh." tanggi ko.

Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Sige na Baby, sabay na tayo. Please?" sabay puppy eyes niya.

"May dala nga akong sasakyan. Alangan namang iwan ko ito dito." mahinahong paliwanag ko.

"Hindi naman sa ganun, pero parang ganun na nga?" sabi niya na natatawa.

Kinurot ko siya ng mahina sa may tagiliran. Hinanap naman niya ang kamay ko at agad hinawakan ng mahigpit.

"Itong kamay na 'to lagi akong sinasaktan. Sana sa susunod, paligayahin naman ako ng kamay na' to."

"Huy! yang kamanyakan mo Engr. Yuje. Ipapaalala ko lang, nasa parking lot tayo at wala sa bahay."

Hinapit niya pa ako. Idiniin niya ako sa katawan niya.

"Halika na at pumunta na tayo sa bahay. Para mamanyak kita."

Gusto ko siyang tadyakan sa mga sinasabi niya ngunit nakakapanghina dahil gusto ko rin naman ito.

Earthaziel, anong nangyayari sayo???

Kumawala ako sa yakap niya at agad binuksan ang kotse ko.

Isasara ko na sana ito ng iharang niya ang kamay niya.

"Teka lang baby!" pigil niya sa papasara kong pintuan.

"Oo na. Magkita na lang tayo sa bahay." ngunit hindi ito nakapigil sakaniya.

"Aalis tayo dito kapag tinawag mo akong 'Baby'."

Abat may kondisyon pa talaga tong mokong na to.

"Para saan nanaman ba yan?" inis kong tanong.

"Hindi mo kasi ako tinatawag na 'Baby' eh." reklamo niya sabay pout ng labi.

"Bakit kita tatawaging baby? sanggol ka ba?" mas lalo lang niyang pi-nout ang labi niya at nagpuppy eyes.

Ohmyghad!

"Edi hindi tayo aalis dito hanggat hindi mo ako tinatawag na baby." sabi niya na parang bata.

Ang isang Engineer sa harap ko ay parang inagawan ng candy.

"Come on, baby. Say it." wika niya.

"Kapag hindi mo ako tinawag na baby, may parusa ka."

"Engr. Yuj---" naputol ang sinasabi ko ng bigla niya akong halikan.

"What's that?" takhang tanong ko.

"Halik, baby. Gusto mo pa?" argh!

"Baby, halika na. Uwi na tayo." agad naman siyang ngumisi at hinalikan ako ng mabilis sa labi bago niya isinara ang pintuan ng kotse ko.

Pagkarating namin sa bahay ay ipinasok ko na sa garahe ang sasakyan ko. Ang kay Yuje naman ay nasa labas ng gate.

Nauna na akong pumasok sa loob dahil nasa akin ang susi ng pinto.

Naramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko ng makapasok ako sa loob.

Sinara niya ang pintuan at sinundan ako sa kusina.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sabay bukas ng ref para magtingin ng pwedeng lutuin.

"Ikaw." bulong niya ng makalapit siya sakin.

Gulat ako ng hinarap ko siya. Nakita ko siyang nakangisi at natatawa sa naging reaksyon ko.

Kahit kailan talaga 'tong lalaking to. Argh!

Pagkatapos kong magluto ng adobong gusto ni Yuje ay niyaya ko siyang pumunta sa maliit na verenada ko sa pangatlong palapag.

Umupo ako pinakamalaking upuan na nandoon at agad pumikit. Mag-aalas syete na maya-maya at nandito pa rin tong lalaking to.

"Are you tired, baby?" tanong sakin ni Yuje na sa tingin ko'y nakita ang pagpikit ng mga mata ko sa pagod.

"Hmm." naramdaman ko ang dahan-dahan niyang paghila sakin patayo at siya naman ang umupo sa kinauupuan ko.

Inalalayan niya akong umupo sa kandungan niya at hinila ang balikat ko palapit sa katawan niya.

Nawala ang pagod ko dahil sa ginawa niya. Minulat ko ang mga mata ko. Nakita ko siyang nakatitig sakin na parang ako ang pinakamagandang nilalang na ipinahihiwatig ng kanyang mga mata.

Umiwas ako ng tingin ngunit hinawakan niya ang baba ko at hinarap ulit sakaniya.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa akin. Inilapit niya ang kanyang labi at hinalikan ako ng mariin sa labi.

Tinugon ko naman ito at sinusundan ang galaw ng kanyang labi.

Naputol ang lahat ng biglang tumunog ang cellphone ni Yuje.

Tumayo ako sa kandungan niya. Nagpaalam naman siya sakin na saglit lang siya.

"Hello?" bungad ni Yuje sa tumawag sakaniya.

"What?!" rinig kong sagot niya sa kabilang linya.

"Okay. Dalhin mo na sa hospital. Susunod na ako. Text mo sakin kung saang hospital. Sige." sabi niya at pinatay ang tawag.

Nilapitan ko siya. Hinila naman niya ang kamay ko para mayakap niya.

"Anong nangyari?" mahinang tanong ko sakaniya.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong niya sakin. Tumango nalamang ako dahil nag-aalala na rin ako kung anong mayron.

Niluwagan niya ang pagkakayakap. Kinuha ko ang pagkakataon na to para hawakan siya sa balikat at pinatakan siya ng halik sa labi.

"Everything will be fine." ngumiti siya sakin at hinila na ako palabas.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa sasakyan ni Yuje.

"Let's go?" tanong niya sakin na nasa driver seat. Tumango nalamang ako. At hinayaan siya kung saan niya ako dadalhin.


A/N: Good morning po! Sorry po sa late update hehe. God Bless! Enjoy reading!
And stay safe everyone!


UlanWhere stories live. Discover now