chapter 8

7.6K 123 1
                                    

Cassandra

Cebu pacific international airport,

Habang hinihintay nya ang pagdating ng kanyang mga magulang sa may arrival area sila naghihintay kasama ang kambal, hindi nya mapigilang kabahan para bang mayroong hindi magandang mangyayari, nenerbiyos sya at nanlalamig,Saan na kaya sila? nandito na dapat sila sa ganitong oras, Kanina pa lumapag ang eroplano na dapat sinakyan nila, pero wala pa ring lumabas na mga magulang sa arrival area.

Mom! tawag ni ginger sa kanya. bakit po ang tagal nila grandma at grandpa?

ginger wait lang po natin sila ha, Baka nasa loob pa, parating na yun.
Pero dumating nalang ang maghapon walang dumating kahit Isa sa kanila.Kinakabahan na talaga sya Kaya nag long distance na sya sa manila agad agad.

Hello po nay mila si Cass po ito! Nandyan po ba sila mom? pwede po bang pakausap? Hindi kasi sila dumating dito nag alala lang po ako.

Naku cassandra anak! buti napatawag ka, umuwi ka na dito kaagad, may masamang nangyari kaya di sila nakarating dyan iha!.

Ha! Ano po ang nangyayari nay mila?

Anak ang mga magulang mo, hindi matuloy tuloy ni mila kung paano ipaliwanag sa alaga ang mga nangyari sa mga magulang nito.
Kasi anak ang mga magulang mo, naaksidente sila iha.Habang papuntang airport, nabangga ang sinasakyan nila. dead on the spot ang mga magulang mo, kasama si mang tonying.Please umuwi ka na,

Bigla niyang nasapo ang kanyang bibig, hindi! hindi yan totoo nay Mila! hysterical sya sa narinig sa matanda, nahihirapan syang magsalita dahil sa paninikip ng dibdib nya.Hindi nya mapigilang maibagsak ang telephone.ang dami dami pa niyang gustong sabihin sa mga magulang nya.Kung gaano niya kamahal ang mga ito. at kung gaano sya nagsisi sa mga paglilihim nya. Kung gaano nya pinagsisihan ang mga pagkakamali niya. Bumuhos ang lahat ng mga emosyon na nasa dibdib nya.gusto nyang magwala pero pinigilan nya, ayaw nyang magising ang mga anak. Mommy! daddy! uuwi na ako please naman bumalik kayo, huwag naman po ganito,

Gusto ko pa kayong makasama, babawi pa ako sa inyo, huwag nyo kaming iwan ng mga apo nyo. pangako po mas maging mabuti na akong anak sa inyo, Mahal na mahal ko po kayo', mahal na mahal. humagulhol na sya ng tuloyan, parang Isang masamang panaginip lang ang lahat,



ONE NIGHT STAND WITH MY BOSS (COMPLETED)                           SERIES BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon