CHAPTER 29

6.9K 110 0
                                    

Kenneth

Nasaan na kaya ang babaeng yun? bakit hanggang ngayon di pa sya bumabalik? kanina pa ako naiinip sa paghihintay sa kanya Para pumasok sya dito sa office, hindi pa naman oras ng uwian kaya imposibleng umuwi na yon ng mag isa, isa pa sinabi ko sa na kanya na kung sakaling pupunta sya sa mansyon nila ako na ang bahalang maghahatid sa kanya, at para na rin mahintay ko sya. lumabas sya ng office hahanapin nalang Niya, puntahan nya ang security room para tingnan Ang CCTV baka naman nasa loob pa Yun.

Samantala papunta si Cassandra sa Cr ng may biglang humablot sa kanya papasok ng cr, what are you doing? palabasin mo ako rito or tatawag ako ng guard para ipatapon ka sa labas? please honey hayaan mo muna akong makapagpaliwanag, kausapin mo naman ako.

Ang nangyari noon ay isang malaking pagkakamali lang, Mahal na mahal kita noon, at may mga pangangailangan ako bilang isang lalaki na Hindi mo kayang ibigay sa akin at nagkataon na ang kaibigan mo ang nandoon para ibigay sa akin yun, pero kung sana hindi ka umalis agad ikaw parin naman ang pipiliin ko, hanggang ngayon mahal na mahal parin kita cass, magsabi ka lang na mahal mo pa rin ako, at mangangako ako sayo na iwanan ko ang kaibigan mo.Sabihin mo sa akin honey, nung tayo pa ba pinagtaksilan mo na ba ako? Paano ka nagkakaanak? Sagutin mo ako niloloko mo ba ako ng panahong naging tayo?

hindi nya ito pinatapos sa kanyang mga tanong at pinagsasampal nya ito sabay duro, Ang kapal ng mukha mo para baliktarin ako, At kung totoo mang niloloko kita noon, sana ginawa ko para quits na tayo, Para sabihin ko sayo, hindi kita minahal. siguro nasaktan lang ang ego ko bilang isang babae pero pagmamahal? I dont think so, hindi mo ba alam na nung nahuli ko kayo? Naglasing ako, at yun na binigay ko ang virginity ko sa lalaking nakikita ko sa bar a total stranger, kakilala ko pa lang sa kanya ng time na yun at agad agad sumama ako sa kanya.. So, you'll see? hindi ka kawalan sa akin, ang bilis kitang napalitan.Kaya huwag mo na akong guluhin pa at ang fiancee ko, bubuo na kami ng pamilya, di ba ikakasal ka na rin naman sa babaeng yun? kayo ng taksil ko na kabigan, so bakit mangugulo ka pa? kung hindi ka masaya sa kanya, wala na akong pakialam doon.

Lalabas na ako baka hinanap na ako ng fiancee ko, baka nag alala na yun sa akin at hindi magandang tingnan na magkasama tayo na narito sa loob ng cr ng mga lalaki, Sana huli na nating tong pag uusap ayaw ko na pagmulan pa ng gulo namin ng boyfriend ko to.

lingid sa kanyang kaalaman, nakikita syang lumabas galing sa Cr
kuha sa CCTV, nakakuyom Ang mga kamao ni Kenneth habang tiim Ang bagang, so pinagtaksilan sya ng kasintahan, Kasama nya ang ex-boyfriend nya sa loob ng cr huh! hindi na nya tinapos Ang pinanood Basta pinaharurot nya Ang sasakyan paalis, tinawagan nya ang mga kaibigan, gusto nyang uminom para mabawasan Ang sakit na kanyang naramdaman.

ONE NIGHT STAND WITH MY BOSS (COMPLETED)                           SERIES BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon