Prologue

13 1 0
                                    


"Spirit of the glass lang 'to Amanda!"

sigaw ng classmate kong si Mira,  dinala niya ko sa lumang bahay dito sa kabilang street kasama namin ang mga pinsan niya para maniwala ako na may multo daw na nagpapakita dito sa lumang bahay mukhang madalas ang panunuod nitong magpipinsan ng mga horror movie at ganito ang mga naiisip, wala na lang akong nagawa kung hindi sumama para tigilan na nila ako.


Imbes na tumingin kay Mira ay nilibot ko ang paningin ko ng matanaw ko sa bintana nitong lumang bahay ang malaki at namimilog na buwan.


"Mira umuwi na tayo"


patuloy ko parin siyang kinukulit, sino ba naman kasi ang matinong pupunta dito sa lumang bahay ng alas onse ng gabi


"Mira patahimikin mo nga yang weirdo na 'yan! kung bakit kasi sinama mo pa"


sigaw ng isang pinsan niya habang naupo sila sa sahig at pinaikutan ang isang board na dala nila tsaka nilapag ni Mira ang isang baso.


Habang abala sila sa pagsabi ng kung anu-ano itinuloy ko ang pag ikot ng paningin ko sa buong bahay napaka luma na ng mga kakaunting gamit at panay ang alikabok ng buong bahay. Dahil sa ayaw ko na sumama sa puwesto ng magpipinsan mas minabuti kong lumakad at lumayo sa kanila paniguradong sinama lang nila ako dito para takutin at iwanan.

Ngunit ng tumapat ang aking mata sa pinto ng isang silid may liwanag akong nakita at parang hinila akong pumunta sa silid na iyon.

Dahan-dahan akong naglakad, dinig na dinig ko ang tunog na nagagawa ng bawat paghakbang ko lumingon ako kung nasaan sila Mira at mga pinsan pero masyado na pala akong naka layo sa kanila kaya hindi ko na makita ang kinalalagyan nila malapit na ako sa pinto at dahan-dahan kong inabot ang door knob laking gulat ko ng binuksan ko ang pinto may isang imahe ng lalaki ang aking nakita ito ay nakatalikod sa akin.
Multo?


Pero hindi napaka linaw ng imahe, tao?
Humakbang pa ako para mas makalapit sa lalaki at makita siya ng maayos ang liwanag kasi ng sinag ng buwan sa kinatatayuan niya

"S-Sino---"

"Multo!!"

Laking gulat ko ng biglang sumigaw si Mira na nasa likod ko na pala.

Hinila niya na ako pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sa lalaki bago kami tuluyang makaalis sa lumang bahay nakita ko ang mukha ng lalaki nginitian niya ko.


"Bakit ka ba sumisigaw?"

"Oo nga Mira ang OA mo"

"Totoo nga may multo dito"


Hinihingal pa si Mira na sumagot sa mga pinsan niya. Binitawan na niya ko ng malayo na kami sa lumang bahay

"Nakita... mo din... Amanda?"
Humihingal niyang tanong sa akin dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng mga pinsan niya at makikita sa mata nila na nais nila marinig ang kasagutan sa tanong ni Mira.


Umiling na lang ako, nakita ko, may nakita ko pero hindi multo 'yon sigurado akong tao ang nakita ko


"Sinungaling ka Amanda!"
Galit na sabi ni Mira at iniwan na nila akong magpipinsan.


Sinasabi ko na nga ba iiwan lang nila ako kaya sinama dito.
Pinili ko na lang tumingin sa buwan. Hindi maalis ang pagkalito ko sa nakita ko pero mas nakakamangha ang buwan para itong may nais sabihin sa akin. Tila nais akong yakapin ng buwan.
Napa pikit ako ng biglang umihip ang malamig na hangin


"Celestine"

May narinig ako.

"Celestine"


"Sino 'yan?"

Inikot ko ang paningin ko sa paligid pero walang tao. Nagsisimula na kong kabahan kailangan ko ng umuwi hindi na maganda ang pakiramdam ko.


Muling humangin ng malakas

"Anak"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Celestial Spirits: White Moon GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon