KABANATA II

219 15 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Biglang lumamig ang paligid at nakaramdam si Riann ng panlalamig sa sarili ng maramdaman nyang may pumasok sa loob ng katawan nya, kusang gumalaw ang katawan nito ng hindi nya kinokontrol. Umiwas ito sa lighter na malapit ng dumikit sa kanya na maaaring maging sanhi ng pagkasunog nya.

Kakikitaan naman ng gulat ang mga mata ni Arriane ng makita ang isang Spirit na pumasok sa katawan ni Riann. Agad din nawala ang pagkagulat nito ng biglang lumiyab ang punong binabaan nung spirit na yun .

Napalitan ng takot ang mga mata ni Arriane.

"Hindi ko akalaing totoo pala ang alamat", natatakot na bulong ni Arriane sa sarili nito.

"NATHAN TARA NA," sigaw ni Arriane sa lalaking lumabas sa bracelet nito kanina lamang. Walang emosyon itong tumango binuhat nito si Arriane at tumakbo ng mabilis na parang ninja.

Riann's POV

"A-ahhck" daing ko ng maimulat ko ang aking mga mata, masyadong masakit at nanghihina ang aking katawan, inilibot ko nalamang ang aking paningin at nakita kong naririto ako sa kwarto ko sa aming mansion.

"Gising ka na pala princess" Nakangiting bati sakin ni Dad, nagtataka akong tumingin ditto dahil himalang nandito sya ngayon sa mansion naming .

"Nakita ka ng mga tauhan ko sa labas ng mansion na walang malay, wala ka namang galos sadyang pagod kalang daw, okay kanaba?" Nag aalalang sabi ni Dad, tumango lang ako ditto at pinilit alalahanin ang nangyare.

"Yung sementeryo," lumabas sa bibig ko.

"Ano yun princess?" tanung ni dad.

"Si arriane dinala nya ako sa sementeryo, binuhusan ng gasolina at itinali sa isang puno tapos hindi kuna alam ang nangyare." Sumasakit ang ulo ko kapag naaalala ko iyon, napatingin ako sa kwintas ni Dad na biglang kuminang. Napahawak ako sa leeg ko at biglang nagpanic ang kalooban ko ng maramdaman kong wala yung kwintas ko.

"D-dad yung kwintas" kinakabahang sabi ko rito.

"Hayaan muna muna yun, magpahinga kana at magpapadala ako ng pagkain ditto sa katulong kailangan ko nang umalis." Sabi nito sakin na tila umiiwas sa mga katanungan ko, wala n akong nagawa ng halikan ako nito sa noo at umalis.

Mabilis akong tumayo para maligo sana ng may isang bagay na mahulog sa baba.

"Saan to galling?" takang tanung ko, ipinagsawalang bahala ko nalang at itinago yun sa aking drawer saka ako pumasok sa Bathroom.

Binuksan ko ang shower, saktong pagpatak ng malamig na tubig sa akin ay bumalik sakin ang nangyareng pag uusap namin ni Sean. Hindi ko maintindihan bakit hindi ako umiiyak pero nararamdaman ko yung sakit.

Masakit para sakin yun, yung tao at relasyong iningatan ko ng ilang taon ay mawawala ng ganun ganun lang.

Tinapos kona ang pag s-shower, lumabas ako ng shower room at napatingin sa malaking salamin na andito sa bathroom ko, napatingin ako sa mga mata ko na kulay asul at minsan ay nagkukulay abo. Sabi ni Dad ang ganitong klase ng kulay ng mata ay natural sa aming pamilya, yung kakambal ko ay ganun din ang mga mata kaya hindi na nakakapagtaka.

Mabilis kong tinuyo ang buhok ko saka nagbihis, lumapit ako sa drawer kung saan ko inilagay ang Katanang Ginto. Hinawakan ko ito ng mahigpit at agad ding nabitawan dahil para itong may kuryente. Bigla kong naalala yung sinabi ni Dad nung isang beses na tinitrain ako nito kasama ang kambal ko.

"Lagi mong tatandaan na hindi lahat ng armas na mahahawakan mo ay pwede mong hawakan ng basta basta kapag hindi ito para sayo hindi mo ito mahahawakan katulad ng Shuriken na hawak ng kakambal mo, pwede mong maangkin ang isang bagay kung alam mong wala pang nag mamay ari nito."

Shaman Academy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon