PROLOGUE

19 0 0
                                    

"Bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko? Parang kasalanan ko."  Ang sakit sakit na, bat parang lagi na lamang mali. Naiiyak na lamang ako sa mga naririnig ko, hindi ko kaya masyadong mabigat ang mga sinabi niya. Tears are running down to my cheeks and I can't help ma'self but to cry my heart out. 

"Nagpakatatag ako. Nagpakatigas ako. Kasi kailangan ko. Pero 'di dahil matigas ako wala na akong pakiramdam. Na hindi na ako nasasaktan. Nasasaktan naman ako." Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak, hindi ko kasi mapigilan. Ang pangit ko na talaga, parang ilog na patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga magagandang mata.

"Oyyyyyy!!! para kang tanga diyan sa sofa, iyak na ng iyak. Ang panget mo na nga lalo ka pang napangit" sabi ng kuya kong bano. wala tuloy akong ginawa kundi ikutan na lamang siya ng aking shinning shimmering eye balls.

Syempre papatalo ba ang diyosa niyo? It's a big NO, oh ayan naka capslock para damang dama. "Kuya panira ka talaga ng moment, ang ganda na ng scene ehhh saka ka eepal" Ang sagot ko sa kanya

"Ang pangit mo kasing umiyak, yung uhog mo ay natulo na ohh" ang pang-iinis niya sa akin, which is tumalab. "Ano ba yang pinapanood mo?"

I take a glance on our TV before I answer his question, "Four sisters and a wedding" yan ang pinapanood ko ngayon, at sa sobrang bigat ng mga lines na binabato ni Bobbie which is my lodi petmalu Bea Alonzo. "Ang galing kasi kuya ng mga artista na gumaganap ang gagaling pang umakting kaya ayun nadala ako sa mga scenes at d ko na napigilan ang umiyak." trust me mga kups, ang gaganda ng scenes may part na matatawa ka at maiiyak at the same time. 

"Sussss wag ako, kaya mo lang naman yan pinapanood dahil nandyan si Bea, yung artistang paborito mo na minsan fini-feel mong kamukha mo nyahahahaha" Ang sagot naman ng nagmamagaling kong kuya.

Ilaglag ba naman daw ako sa mga nagbabasa netong story ko. Napabusangot na lang ako sa sagot niya. "Tsee kuya, shatap. Ano bang kailangan mo at nandito ka sa kwarto ko at inaabala ang panonood ko ng movie?" ang nakataas kilay kong tanong sa kanya at pasimpleng tumalikod para pahiran luha ko

Ngumise muna siya bago ako sinagot, "Nandito mga kaibigan mo, hinahanap ka at syempre para masilayan nadin kapogian ko." sabay wink sa akin na mas lalong nagpabusangot sa aking magandang fess. Dyusko, biglang humangin ng malakas kahit sarado bintana ng room ko.

"Ang hangin mo naman kuya, san kaba pinagli---" naputol ang sasabihin ko ng sumingit ang mga baklita kong prend.

"Besssssss" ang sabay na banggit ng dalawang mukhang taong bundok.......charoottt "Anong nangyari sayo bat ka naiyak? sinong nagpaiyak sa pangit naming kaibigan?"  Ang exagerated na sabi nilang dalawa in chorus. 

Ay ang taray naman nitong dalawa talagang sabay pa talaga sila ha, dapat nag-choir nalang sila hindi dancing.  At dahil isa't kalahati rin akong mabait Ilalabas ko ang aking acting skills para magpaawa

I started crying in an OA way yung parang mauubusan na ako ng hininga, de joke lang baka matuluyan ako hahaha "Huhuhu mga besss" sabay yakap ko sa kanilang dalawa ng mahigpit "Si kuya ang nagpaiyak sa akin, ang sasakit ng mga sinabi niya sa akin' ang sabi ko sa paawang paraan. "Iganti niyo ako sa kaniya huhu" ang aking pasinghot at paawa epek.

ikinabigla ni kuya ang mga sinabi ko, "Ahh--"  magsasalita na sana siya ngunit lumapit na sa kanya ang dalawa kong prenny at sabay nilang itinaas ang kanilang kamay.

Napasabi na lang ako sa aking sarili, "Ayan na, makakaganti na ako sa kanya hehehehe" insert the evil laugh. 

Natatawa na lang ako sa itsura niya, para siyang natatae na ewan hahahaha. Ang PANGET, pero mas nagulat ako sa ginawa ng dalawa kong besyy. Lumaki ang aking mga mata na parang sa tarsier, kasi ang ginawa nila ay--

"Bat mo naman ginawa yon sa bunso niyo?" ang nakalingkis na sabi ni baklitang Jamill, at ang hanep ang lambing at landeee ng kanyang pagkakasabi.

"Oo nga ma'babes bat mo ginanun ang aking soon to be sisteret?" ang sabi ng isa ko pang maharot na prend na si baklitang Jess na nakapulupot naman sa braso ni kuya Marco. 

Mga talande, akala ko pa naman ibabawe nila ako "Mga bakla kayo, akala ko ba igaganti niyo ako sa panget kong kuya?" ang nakasimangot na tanong ko sa kanila. Ang mga talande tinawanan pa ako ng malakas at ilang minuto lang na marealize nilang katabi nila si kuya ay naging paveve. Nak ng pusa!!

"Oyyy bess magsorry ka sa kuya mo"  ang maotoridad na sabi ni Jamill, "tama, magsorry ka, d siya panget ang sama ng ugali mo bess" ang sulsol na sabi naman ni Jess

Wow mood swing, may bipolar yata akong mga kaibigan "teka lang, kanino ba talaga kayo kampi?" ang nakataas kilay kong tanong sa kanilang dalawa

"Syempre sa'yo" Ang confident at chorus na naman nilang sabi

"Ay bat ako pinagsosorry niyo?"  ang mataray ko pang sabi "at bakit ako pa pinapagalitan niyo? Ano sige sumagot kayo?" ang kunwaring madrama kong sabi sa kanila na may papahid luha epek pa

"Alaaa lagot ka Jess" ang paninisi ni Jamill sa kanya "Talapandas ka bakla, bat ako?" At talagang nagbangayan pa sa harap ko, at hindi pa natigil ang dalwa kung di pa inawat ni kuya

"Tama na yan baka mamaya ay magsabunutan pa kayo dahil sa kagwapuhan ko"  ang mahangin na sabi ni kuya

"Tsee kwayet ka" ang sabay na naman nilang sabi at biglang lumapit sa akin at yumakap sa magkabilang gilid ko "Sorry na bess, mahal ka naman namin" at again sabay ulit nilang sabi sa akin. Hinalikan pa ako sa magkabila kong pisnge

"Yuck mga bakla, bat nyoko hinalikan? baka mahawaan ako ng sapak nyong dalawa" ang nandidiri kunwari kong sabi

Inirapan at sinamaan ako ng tingin ng dalawa na nagpatawa sa akin ng sobra. Di kalaunan ay sabay sabay na kaming humagalpak ng tawa na umabot hanggang sa mga aliens charott.














WHAT IFWhere stories live. Discover now