HUMBLE

25 2 1
                                    

May mga bagay talaga na hindi mo pa maaaring gawin kung wala ka pang napatunayan sa iba, lalo na sa sarili mo.

Bawal magsalita

Bawal magalit

Bawal magreklamo

Kasi yan ka lang, wala ka pang narating.

Ang unfair lang no, lalo na't alam mo sa sarili mo na tama ka at sila ang mali.

At wala ka ng ibang pwedeng gawin kundi kausapin ang sarili mo at paulit ulit ulit na sabihing chaka sya, chaka sila, chaka silang lahat!

Pampalubag loob ba. Haha

Alam ko namang mahirap makipag-usap sa taong matalino kasi araw-araw ko yang pinagdadaanan, araw-araw ko kayang kinakausap ang sarili ko. Pero syete naman, di hamak na mas mahirap ang makipag-usap sa taong nagmamagaling at nagtatali-talinuhan. Nako.

Palaging ikaw ang mali at sila ang tama. Kahit alam nilang ikaw ang tama at sila ang mali, hindi parin aaminin sa sariling mali sila. At magagalit pa, kasi nga di nila maamin sa sarili nila na mali sila.

Nako, beware.

Kaya kung alam nating mas angat yung IQ natin kasi di nila maintindihan na nay ipinaglalaban tayo, e di tayo na lang ang umintindi. Alangan namang sila diba? E tayo nga yung may mas mataas na IQ kaya nga iintindihin natin. Haha ang gulo ko. Basta yun na yun.

Manahimik na lang tayo, at pagtawanan sila at the back of our mind. Hindi dahil sa natatakot tayo sa kanila kundi dahil tayo yung nakakaintindi. Hindi lang din dahil sila ang nakakatanda.

Remember: Iba ang mapang-unawa sa duwag.

Iba ang mapagpakumbaba sa natatakot.

Tsaka respeto na rin sa kanila. Masakit mapagsabihan ng bastos.

I feel youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon