01

9 0 0
                                    


"Happy Birthday Lyana!" sabay sabay na sigawan ng mga kaibigan ko pagbukas ko ng ilaw napangiti ako at tumingin sa tabi ko binalik niya ang ngiti sa akin kaya naman, napayakap ako sa bewang niya "Salamat!" sabi ko at bahagya pang kinurot ang tagiliran ko.

"Always, babe!" sagot niya naman kaya naghiyawan ang iba pang bisita.

"Mastermind talaga ng mga ganito yang Jowa mo Lyana eh!" kunwaring naiinggit na sabi ni Lem isa sa mga kaklase ni Kai tumawa ako ng bahagya ng may narinig akong tumikhim agad akong napatingin sa likod ko at nakita si Marco ngumit siya sa akin at may inabot na box napangiti tuloy ako.

"Akala mo naman talaga nag-eefort!" sabi ko sabay hampas pa sa braso niya agad niya naman akong ginantihan.

"Birthday mo kaya mahina yung ginanti ko bukas ka sa akin." Sabi niya sabay iiling-iling pa.

Nagsimula na ang lahat ng magsikain at maginuman at habang lumalalim ang gabi ay naguwian na rin ang iba hanggang sa matapos ang party.

"Thank you ulit Kai!" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng sasakyan niya agad ko siyang niyakap at hinalikan niya naman ako sa noo.

"anything for you Lyana" napangiti ako sa sinabi niya at pinakawalan na siya ngumiti muna siya sa akin at kumaway bago sumakay sa Kotse niya.

Ng mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa bahay agad kong nakita si Mama na nagaayos ng mga natirang kalat.

"Tulog na tayo ma, Bukas nay an, Thank you ma!" sabi ko at ngumiti napatingin siya sa akin.

"Lyana bahay ko lang ang ginamit, si Kai parin ang nagplano ng lahat para sayo" napangiti ako sa sinabi niya.

Diretso na akong umakyat sa kwarto ko at naghanda para matulog , nagskincare muna ako, pagkatapos ay sumampa na ako sa kama, Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang mga posts ng ibang kaibigan ko pati na rin ang Greeting posts nila sa akin!

"Had fun with this girl! Happy birthday Lyana!"

"Happy Birthday to the Queen Lyana"

"Successful si Gago! Happy birthday Lyana!"

Napatawa ako sa iba't ibang picture na nakapost ng i-refresh ko ang feed ko ay nakita ko kaagad ang Post ni Marco na kakapost lang 1min ago

"Happy Birthday to my ever lovely bestfriend, I love you and I'm always here kahit ano payan hoping for more years with you Lyana! I love you..."

Napangiti ako sa post Pictures naming ito simula ng Grade 6 hanggang yung picture namin kanina, nakita ko naman na nag Comment si Dianne.

"Ehem! LOVE YOU LYANA"

"HAHAHA hinayupak! Love you daw LYANA"

"hoy!Marco kumalma ka alam naming Mahal mo siya"

"sino bang hindi nakahalata na mahal ni yan since highschool"

Yung ang mga comments, Issue siguro sa kanila yung I love you ni Marco pero normal na yon, kaya naman nagreply ako sa comments nila.

"Mga baliw kayo normal yun sa aming magbestfriend no!" sabi ko sabay enter agad ng reply ko, agad naman nagreply si Dianne sa comment ko.

"Ouch! Tsk tsk kawawang Marco CHAROT!" napailing ako sa reply niya agad naman sumagot si Jen.

"bEsTfRieND. Jpeg" pagtapos nito ay nagreply din agad si Lou.

"Kalma Lyana wala namn kaming sinabi ah! HAHAHA #dEfEns1Ve.

Napiling ako at muntik ng patayin ang phone nag may magnotification ditto.

Stand by my Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon