Summary?

59 2 0
                                    

Cheche ang naisipan kong ipangalan sa story ko. Ayoko po kasing maipublic lalo na pangalan nila. Haha.

I'm currently a Grade 9 student sa Batangas. Ang storyang ito po ay base sa buhay ko. Kung bakit ko naisipang isulat ang kwento ko, gusto ko kasi kayong tanungin. May feelings pa ba ako kay bestfriend? Ang hirap kasi pag hindi alam ang buong istorya. Pero matatagalan pa siguro bago ko malaman ang sagot. Medyo detailed tapos bakasyon pa, dadating ang papa. Pero naniniwala naman ako na may tamang panahon para sa lahat.

Hindi ko alam kung regret ba yun o ano. Meron na kasi syang girlfriend ngayon. Pinakawalan ko ba ang chance ko? Ang sakin lang naman kasi ay hindi pa ako handa. Sobrang bata ko pa noon. Grade 5, imagine meron akong bf? Siguro oo sa iba, natural lang yun na madami na silang naging bf o gf. Pero sa akin hinde, gusto ko seryosong relasyon. Yung pang matagalan. At isa pa, first love ko sya. Paano mo masasabing kayo na? Ayoko lang naman masaktan sa huli.

Ang hirap mag move on kahit sabihin mong naka move on ka na dahil isa kang ganap na die hard fan ni Darren Espanto e hindi parin. Iba parin yung sa kanya. Ang pinagtataka ko nga eh, hindi naman sya gwapo pero bakiiitt?? Nakakaasar na eh. Umasa ako sa theme song nya para sa akin. "Walang Iba" by Ezra Band. Grabe dibaa?? Nakakaasar, nakakainis, nakakabwiset.

Pero eto ako ngayon, dakilang best friend nya na nilalapitan pag may away sila ng gf nya. Mas pinapansin pa nga nya ang kaibigan kong si Irish sa personal pag nagkaka salubong sa daan eh. Awkward ata kami. Ewan ko ba.

Merong mga time na sunod sunod na araw kami magkachat. Talking nonsense. Walang matinong topic. Sabi ko nga eh ayos na sa akin ang ganung set up. Ang pinanghahawakan ko lang naman ay ang friendship namin. Ewan ko ba, hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko kaya kahit bestfriend ako okay lang. Hanggang sa tumigil sya magchat. Malimit na kami magkausap at hindi nya na nila-like ang dp ko. Ang babaw diba? Pero sobrang apektado ako.

Minsan naiisip ko, ginagawa nya yun dahil ayaw nya magselos ang gf nya. Alam nya kasi ang tungkol sa amin. Honest kasi sya sa bae nya. O baka naman si gf mismo ang nagsabi? Pero hindi eh, mabait naman sya kahit di kami close. Siguro marami na talagang nagbago di tulad ng dati...

Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon