Grade 7 - High School life

35 2 0
                                        


Pagkatapos nung graduation namin nung grade 6, di parin napuputol ang komunikasyon namin. Bestfriend na daw kami sabi nya nung grade 5 o 6? Ewan. Basta close kami.

▪Grade 7

Pag dating ng high school, inabot kami ng bagong curriculum, ang Kto12. Kami ang kauna-unahan sa curriculum na iyon.

Nag expect ako na magiging kaklase sya ulit kasi pareho naman kaming nasa top sa klase noong grade 6, ina-announce kasi yun sa speaker namin every section, every quarter kaya alam ko. Kaso muli, hindi kami naging magkaklase. Nasa 1st homo section sya at ako sa 2nd homo. Na-disappoint ako that time, sabi ko sa sarili ko babawi ako.

Kaso nung nalaman kong may mga kaklase akong valedictorian, salutatorian at honorable mentions, nanlumo ako. Alam mo yung nandun na eh? Tapos biglang bumagsak ang pag-asa mo.

▪Project =_=

Lumipas ang mga panahon, nag-iba ako di tulad ng dati. Sobrang tahimik ko ngayon. Yung mga kumakausap lang sa akin ang kinakausap ko. Hindi ako yung tipo ng tao na magsisimula ng convo. Nagkaroon man ang ako ng mga kaibigan na sina tala, nainis naman ako sa kanila sa huli. Kasi kagroup ko sila sa project at parang feeling ko ako na ang gumawa ng lahat. Yung pinapiprint ko kasi e di nila nai-print, isang page na nga lang eh di pa nagawa, e 3 silang kagroup ko. Ni isa walang kumilos? Sabi pa ng teacher namin ay hanggang noong araw na iyon lang ang pasahan ng project. At yun nga, umiyak pa ako dahil dun. ._.

Grade conscious kasi ako that time dahil nga gusto ko mapromote. Ginawa ko naman lahat ng best ko pero di talaga.

Close parin kami ni Dom. Nakaclose ko rin yung bestfriend nya that time na si Eric sa chat, kaso di sa real life. Awkward eh. One time nakikipag meet sila sa akin sa library, pumunta naman ako kaso wala akong nasabi! Hahaha. Andun nga din yung first crush ko nun. Nag-transfer sya eh.

Pine-pair up ko si Tala at si Eric. Crush daw kasi ni Tala, kaya ayun, sinasali ko sa convo namin, group chat. Haha. Binigyan pa nga nya ng regalo nung birthday ni Eric. :P

▪Intramurals / College Week

Nung intrams, yan na naman sya! Nagpa-dedicate sya ng kanta sa english club! WALANG IBA, by ezra band. Hahaha.. Kaso di ko narinig kasi nasa AVR kami sa basement, nanunuod ng movie. Nalaman ko lang yun dahil sabi ng ate kong 1 year ang pagitan namin, 2nd year sya, narinig nya daw. Sabi nya sino daw yung nagpadedicate? Inasar asar pa ako pagkauwi. Sabi ko si Tala lang yun. Inaasar ako. Hahaha..

Kaya ayun, agad agad akong nagchat sa kanya at tinanong kung tunay. Hahaha. Ang nakalagay daw naman kasi ay --This song is dedicated to Cheche of 7-St.____, From someone. Haha buti na lang! Kaya ayun, nag thank you ako sa kanya.

Patuloy nya pa rin akong kinukulit. Sabi ko, mas maganda ang legal sa magulang tsaka di pa talaga ako handa. :(

▪December

Tinatanong ko sya kung ano gusto nya regalo o wishlist pati si Eric. Reregaluhan ko dapat sya kaso di ko naibigay. :3 Nahihiya ako eh, andun mga kaklase ko.

Pumunta pa nga sya sa room namin. Nag expect ata, :/ tinanong ko kasi. *facepalm*

----

Vote. Comment. Uso yun!

Grade 9 pa lang po ako kaya malapit lapit na. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon