Ang Simula

29 2 0
                                    

Ako nga pala si Cheche, tawag sa akin minsan ng mama ko. Nakamove on na nga ba ako kay bestfriend? Kahit sabihin kong oo, hindi ko alam. Kaya pakisagot naman ng tanong ko pagkatapos ng kwento ko.

Nag-aaral ako sa isang Catholic School sa Batangas. Tatlo ang ugali ko, ang tahimik at sweet side, pagiging masayahin at baliw kasama ang mga kaibigan ko, at ang ugali na hinding hindi mo magugustuhang makita. Na-inlove ako for the first time at hanggang ngayon, hindi ko alam.

-----

Crush. Uso ang crush sa amin noong gradeschool. Kahit alam nila na may crush ako sa kanila dahil sa mga kaibigan ko, okay lang, wala namang mawawala diba? Kalimitan, ang mga nagiging crush ko ay mga nakakatabi ko sa upuan.

Nagsimula ang lahat noong grade 5 kami. Crush ko ang katabi kong si armstrong at alam iyon ng aking mga kaklase kaya naman nala-love team kami tulad ng pagsasamahin ang aming pangalan tapos may forever na sunod tulad ng kathniel forever. Wala lang naman sa akin yon, bata pa wala pang muwang. Haha.

Tanda ko pa nga yung sinabi nya sa akin na "Tayo na ga? Tayo na?" Kami kasi ang sunod na magrereport sa unahan. Syempre mga kaklase kong malapit sa amin na nakarinig eh iba ang inisip. Ako naman kinilig.

Hanggang sa nag second quarter, nag-seating arrangement kami at nakatabi ni Karmelah, ang bestfriend kong babae (every year I have different bestfriends kasi nakakahiwalay ko sila ng section) si Marc, ang bestfriend ko ngayon at kung saan iikot ang istorya ko. Mas naging close kami pagdaan ng mga araw. Hanggang isang araw, sinabi nya sa akin na crush nya ako. Hindi sya gwapo, oo. Minsan nga tarsier ang tawag ko sa kanya dahil sa mga mata nya. ⊙_⊙

Hindi ko alam kung bakit. Kinilig ako noong mga panahong yon. Siguro dahil na rin sya ang kauna-unahang nagsabi sa akin na crush nya daw ako.

Mula noon, araw araw na kaming magkachat sa facebook. Palagi na rin akong inaasar ng mga kaibigan ko. First time ko rin makasali sa top nung grade 5. Syempre inspired eh, hanggang nagtuloy-tuloy na. Ang paborito kong subject ay Math. Mahirap man paniwalaan pero oo, naadik ako sa subject na yun. Siguro dahil narin sa aming guro na si Mr. Villanueva, ang paborito kong teacher.

Sa sobrang close namin, alam ko lahat ng mga nagiging crush nya. Oo madami syang crush, hindi lang ako. Siguro kaya nag stick lang sya sa akin ay inentertain ko sya at magkaklase kami. Natatawag pa nga kami dati sa recitation tulad ng sa English. Sabi daw kasi ng adviser namin ay isa kami sa pinakamagaling sa klase. Kapag hindi daw namin nasagot ng tama ang tanong ay ipakakasal ni Mrs. Peradilla ang mga bag namin. Haha. Pero grabe lang that time, sobra akong kinabahan magkamali. Buti na lang nasagot namin ng tama.

Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon