Coleen
*tok* *tok*
Alas nuwebe na ng umaga nang ako ay magising ng malakas na katok mula sa bintana. Iritable akong bumangon sa kama. Nakasara pa ang aking kuritina pero nakikita ko na ang tunog ay nang gagaling sa isang mahabang stick na kumakatok sa aking bintana.
"Ano na naman ito?" iritableng bulong ko sa sarile habang naglalakad papunta sa bintana.
Nang dahil sa liwanag sa labas ay nakapikit kong binuksan ito nang biglang...
*tok*
Tumama sa noo ko ang isang mahabang stick na ginamit pang katok sa bintana ko. Napakunot ako ng noo at nagkiskis ang aking mga ngipin.
Sino ba namang matutuwa sa nanyare?
Dahan-dahan kong binuksan ang akin mata at nakita ko kung sino ang salarin.
Si Tim. Hawak-hawak niya ang isang mahabang patpat habang nanlalaki ang mata sa kabilang bintana. Pati siya ay nagulat na ako ay tinamaan.
"Kasalanan ko?" dipensa nito sa akin.
"Anong problema mo ba, Tim?" hangga't maari ay sinusubukan kong kalmahin ang aking sarili.
Agad-agad niyang hinila ang stick papasok ng kwarto nya at tsaka sumandal sa kanyang bintana.
"Mag 'No' ka na."
Hindi ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin. Hindi pa fully functioning ang utak ko. Ikaw ba naman ang gisingin ng wala sa oras?
Tinignan ko lang siya ng blanko.
Umirap sya at tsaka nya pinakita ang online voting na nasa tablet niya. "Mag No ka na."
Hindi nya talaga ako lulubayan.
Nakita ko bahagya ang pie chart ng percentage ng 'No' at 'Yes'. Obviously, lamang ang 'No'.
Kahit bumoto ako o hindi alam ko nang sinong mananalo.
"Obvious naman kung ano ang lamang diba?" peke kong ngiti sakanya. "Sino ba namang estudyante ang gusto pang mag klase sa ganitong panahon?"
"Ikaw. Diba gusto mo?" sagot niya sa akin na parang wala lang sakanya. Hindi nang aasar or nang tritrip ang tono niya.
Umirap ako ulit. Tama naman siya. Ako nga lang siguro at yung 30% na nag 'Yes' sa survey.
"Hindi ako boboto para fair. Happy?"
"Tignan mo to..." turo niya sa 30% na nag 'Yes'. "Lahat sila pabibong tulad mo."
Lord napupuno na po talaga ako sa lalaking ito.
"Hindi. Na. Nga. Ako. Boboto. Diba?" mariing ulit ko sa kanya. Tinitigan lang niya ako na akala mo inosenteng bata na pinapagalitan.
Wag mo ko daanin sa ganyan. Alam ko kung ilang porn ang pinanonood mo. Alam ko kung ilang babae din ang ikwinarto mo.
"Okay lang. Panalo naman kami eh." sagot niya sakin at in-off ang survey.
"Alam mo naman pala eh. Bat mo pa ko ginising?"
.
.
.
.
."Nang aasar lang ako. Good morning." at tsaka siya bumungisngis.
At tulad kahapon, pinagsarhan ko siya ulit ng bintana.
-----------
Umabot ang hapon at wala akong ginawa kung di humilata sa sala. Hindi ako bumalik sa kwarto dahil baka istorbohin lang ako ni Tim.
BINABASA MO ANG
Until the ECQ
RomanceWe doesn't exist in each other's world, not until the ECQ came. Now we built our own little world.