Torpe #2 (Meg)

38 0 0
                                    

*Kring. Kring. Kring."

"Yawwn! Waa! Anu ba yan. Ang ingay naman." Sabi ko habang kinakapa ang alarm clock ko at pinatay. Pagtingin ko sa alarm clock waaa.

"6:30 na. Aish 7:00 pa naman ang klase ko. Baka malate na naman ako." Sabi ko habang natatarantang pumunta sa banyo.

Btw, hindi pa pala ako nakapag-pakilala. Ako nga pala si Kresy Kim. 16 years old at nag-aaral sa VKook University. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap, siguro maykaya lang buhay namin. Dati kasi si Papa, Seaman kaso nagkasakit siya at kailangan niya operahan kaya nagstop siya sa trabaho. Si Mama naman nagtuturo sa isang Pampublikong Paaralan. Pero kahit ganyang lang ang nga magulang ko, proud na proud ako sa kanila. Lahat ginagawa nila para sa akin, wala kasi akong kapatid.

    Mayroon akong crush or love na ata? Sa classroom namin. He is Dominique Jeon III. Ubod siya ng pagkasungit, bastos, playboy, papansin ngunit gwapo naman at matalino. He is my close friend sa boys. Kaso hindi ko masabi sa kanya kasi nga torpe akong babae, baka kapag sinabi ko wala na, mawawala yung friendship namin. ://

At eto na ako ngayon, nagbibihis na papuntang VKook University. Nang tawagin ako ni mama.

"Anak. Kresy halika kumain kana. Kanina ka pa jan." Sabi ni mama sa baba habang naghahain siguro ng pagkain namin.

"Huwag na po mama, late na po kasi ako. Mamaya na lang ako bibili sa canteen." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Ikaw talagang bata ka, pumapayat kana. Dati ang laki-laki mo pa ngayon wala ka nang laman. Oh siya, eto ang baon mo. Mag-ingat ka ha." Sabi ni mama habang binigyan ako nga pera

"Opo mama! Alis na po ako. Babye." Sabi ko at lumabas na sa bahay at sumakay papuntang VKook University.

Nasa sasakyan ako ng Bus ng may biglang nagvibrate. Pagtingin ko sa Cellphone ko.

*1 Message Received*

From: Dominique III ♥♥

Saan kna Meg? Late kana oh. Baka pagalitan ka naman ni Ma'am Guanzon. Sige ka, lagot ka sa akin mamaya.

---

To: Dominique III ♥♥

Psh. Bahala siya! Heh! Edi awayin mo ko. :P LAGI naman eh. :// Nasanay na ako.

---

*Message Sent*

Nang nakarating na ako sa VKook University pumunta na ako kaagad sa room namin dahil late naman ako.

"GoodMorning! Sorry, I'm late." Sabi ko habang papasok ng room habang nagkaklase kaya huminto silang lahat at tumingin sa akin. Ghadd, lamunin na ako ng lupa phulease. ^__^!

"Oh Good Morning Miss Kressy Kim. Your are late again. I deserve an explanation. I deserve an acceptable reason."

Woah! Mala'Piolo Pascual lang ang peg ni Ma'am.

"Sorry Ma'am for being late again because I woke up late in the morning."   Phew, napasubo ako dun ah.

"This is your last chance. Miss Kim. Next time I will not tolerate your wrong doings anymore. Sit down and listen to my lessons." Sabi niya habang bumalik sa pagtuturo ng mga lessons namin.

Pumunta na ako sa upuan ko at tumabi sa seatmate ko na si Richard Park. Actually gwapo rin siya, crush nga siya nang bestfriend ko na si Athena Seung. Sa kabilang side ko naman, sa kanan ko, si Dominique na. Haaayss, bat' ba kasi ang gwapo niya? Psh, kaso kukulitin naman ako niyan. -_-!

"Psst. Meg ba't ka late?" Sabi niya sa akin. Hindi ako tumingin kasi baka ibang kaklase namin ang tinawag niyang Meg at na'late rin. Huwag assuming Kres.

"Kressy, bingi ka ba? Ba't ka late?" Sabi niya na hindi maingay dahil baka pagalitan siya ni Ma'am Guanzon.

"Ako pala. Basta, nasabi ko naman ang rason kanina diba?" Sabi ko habang tumingin sa kanya at nalakasan ko yata ang boses ko, dahilan upang tingnan kami ng lahat ng mga kaklase namin.

--

Author's Note: Bitin ba guys? Sorry, tingnan na lang sa Next Chapter. :) Btw, si Kressy Kim ang nasa picture. Kamsa and saranghae guys. Vote and Comment guys. Kamsa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng Torpe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon