Fated
Isa sa mga bagay na gusto ko sa mundong ito ay ang magagandang tanawin. Buti nalang talaga sumama ako kila Mommy at Daddy, dito sa pinuntahan nila at saktong break namin ngayon sa school.
"Eli, aalis muna kami ng Daddy mo at pupuntahan namin ang ospital na malapit lang namang dito. Maiiwan ka ba dito sa hotel o gusto mo lumabas para makapagikot-ikot?" ani ni Mommy.
Nasa isang magarang hotel kami nagstay dito sa Laguna. Kahit may bahay naman ang pamilya ni Mommy dito ay napagdesisyunan namin na magstay nalang sa hotel. Mababait ang kapatid ng aking Mommy pero di gaano yata namana ng mga pinsan ko.
"Dito nalang muna ako sa kwarto, Mom. Mag papahinga po muna ako at pag nabored po ako tsaka nalang po ako magiikot sa baba." sabi ko habang naka-tingin sa isang park malapit dito sa hotel.
"Oh siya, mag-iiwan nalang ako ng pera dito. Bye, honey." sabay halik sa aking pisngi ni Mommy.
Actually, mabait naman ang mga magulang ko pero sobrang strict nila pag dating sa akin. Siguro ay dahil ako lang ang unica hija at bunso nila. May dalawa akong kuya na parehong nasa ibang bansa na dahil may mga opportunities silang natanggap.
Pagabi na nang napagisipan kong bumaba at umikot sa park na malapit. Nag suot ako ng isang baseball cap at nagdala ng isang bag kung saan nilagay ko ang aking phone, wallet, isang sketch pad at ang aking earphone. Naglagay din ako ng kaunting lipstick at powder.
Sa sobrang lapit ng park sa hotel, matatanaw kaagad kung anong mayroon dito. Mayroong man-made lake at biking area at marami ang nagpi-picnic, naglalaro, nagjo-jogging at ang iba naman ay may mga dalang aso.
Umupo ako sa isang bench kung saan tanaw ko ang buong lugar. Kahit isang siyudad ito ay di mo mahahalata at sobrang maaliwalas ng lugar.
Di ko maiwasang mainggit sa mga taong kasama nila ang mga taong mahal nila. Masaya naman ang pamilya ko pero di ko maiwasang malungkot nang nagsisimula na kaming tumanda at magkaroon ng iba't ibang career path. Talaga nga na kung kailan ka tumatanda at may pera, tsaka ka nawawalan ng oras sa mga taong nakapaligid sayo.
Inilabas ko ang sketch pad ko at nag indian seat para simulan ang pag-guhit sa mga natatanaw ko.
Eto talaga ang gusto ko, may talent ako sa pag-guhit at pagpinta. Ngunit sa sobrang controlling nila Mom at Dad sa course na kukuhanin ko ay wala akong nagawa kundi pumayag nalang dahil alam ko naman na di rin ako papayagan sa gusto ko.
Patapos na sana ako kung hindi lang dumilim at naging malamok na kaya itinago ko nalang ito at nagikot nalang. Sa di kalayuan ay mayroong mall at mga restaurant.
Nagulat ako nang nag ring ang phone ko. Si Mommy natawag.
"Sweetie, nasaan ka ngayon? Sorry at natagalan kami." Sabi ni Mommy.
"Ayos lang po, Mom. Uhm, nasa Coast po ako." Sagot ko habang nililibot ang tingin kung saan.
Medyo malayo narin ako sa hotel pero tanda ko naman ang daan papunta.
"That's good, anak! Nandito rin kami ng Daddy mo sa Nonna's at tumawag ako para magdinner tayo dito." galak na sabi nito.
"Mom, di ko alam kung saang part yan. At parang napakalaki nitong lugar." reklamo ko.
"Just ask someone nalang, sweetie. Sa guard or someone na mukhang mapagkakatiwalaan. Dalian mo at may kasama tayong kakain and I'm hoping na maayos ang itsura mo ngayon." strict na sabi ni Mom at sabay ibinaba ang tawag.
Napabuntong hininga nalang ako at itatago ko na sana ang phone sa bag ko nang may biglang nakabangga sa akin.
Hindi naman nahulog ang bag ko pero sobrang napagalaw ako sa kinakatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Enigma of Fate
Romance1/3 of Fate Series We just can't control each others fate. It works enigmatically.