2

6 0 0
                                    

Number

"Eli!!!!" napapikit nalang ako sa narinig kong pag tawag sa pangalan ko.

"Ano ba, Noemi! Nakakahiya wag ka nga mag-sisisigaw dyan." pabulong kong sabi sa kanya.

"Pabulong-bulong ka pa dyan! Nasa college na tayo, wala naman pakialam ang ibang students no. Eto talaga! Tsaka pwede ba ayoko ng Noemi ang itawag mo sa akin. 'Nova' nga kasi!" maarteng pag pupumilit niya sa akin.

Sa totoo lang Noemi naman talaga ang tawag ko sa kanya. Ngunit nang malaman niya na ang meaning ng pangalan kong Elara ay related sa moon ay pinilit niya na 'Nova' ang bago niyang nickname dahil isa raw itong star na bagay na bagay daw sa kanya dahil isa siyang star.

Ang bago niyang nickname ay simpleng pinaikling pangalan niya. Noemi Valeria de Silva.

"Oo na, sige na. Wag ka nalang maingay, ang aga aga pa oh." saway ko sa kanya.

"Eh kasi naman, kinakabahan ako! Kamuntikan na nga akong bumagsak last sem sa Hematology 1 no. Sana talaga hindi yung professor natin last sem."

"Paano ang kulit mo kasi lagi ka nalang late. Alam mo naman na medyo masungit yun si Ma'am." natatawang sagot ko sa kanya.

Pahirapan magising si Noemi kaya palagi siyang nala-late at unang course namin last sem ay ang Hema1.

Pumunta na kami sa room at nagtabi kami ni Nova sa upuan. Laking tuwa nito na bago ang professor namin. At dahil vacant namin at maaga pa para sa lunch naisipan namin na magstay muna sa library.

Nagulat ako ng tumunog ang phone ni Nova. Natatawa ako dahil talagang  ang ring tone pa niya ay ang kanta ng Big Bang na Bang, bang, bang.

"Anak ng! Ang stupid naman, mabaril na sana ako.." bulong nito sa sarili niya habang hinahanap ang kanyang phone.

Halos lahat ay napapatingin na sa kanya dahil naka-max pa nga yata ang volume ng phone niya. Nakakahiya pero natatawa pa rin ako.

"Tsk." narinig kong asik ng isang lalaki na nandito rin sa table namin.

Naka-hoodie ito na black. Nakatungo at may libro sa harap niya at mukhang nagbabasa.

Ang sungit naman nito, solo kasi eh. Nagulat ako nang lumingon ito sa akin. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko kung sino ito.

Nanlaki rin ang mata niya na at nagulat pero napalitan din ng isang magandang ngiti. Hindi ko napansin at tila nahawa yata ako sa ngiti niya kaya nginitian ko rin ito.

"Hi, Cyb!" masigasig na bati nito. Wow, close ba kami? Paano niya pati nalaman name ko?

Dalawang upuan ang layo niya sa akin at dahil wala naman nakaupo dito ay inilipat niya ang gamit niya sa katabi kong upuan.

Nakakunot-noo na tumingin sa akin si Nova pero dahil may kausap pa siya sa kanyang phone, hindi pa niya ako makausap.

Muling lumingon ako kay Soter na mukhang naghihintay sa sasabihin ko.

"H-hello, haha" balik kong bati sa kanya at sinundan ko ng tawa na pilit.

Hindi ako marunong sa ganito. Kung hindi ko pa nga naging seatmate ang maingay na Nova na 'to ay hindi ako magkakaroon ng kaibigan dito.

Actually, apat kaming mag kakaibigan. Parehong kaibigan ni Nova ang dalawa na pinakilala niya sa akin pero naging close ko rin kaagad ang dalawa.

"Grabe, ang awkward mo naman. Parang di tayo magkakilala ah." ngisi nito.

"A-ahm, hindi lang ako sanay. Haha."

"Wala naman nakakatawa, ba't natawa ka?" seryosong usad nito sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Enigma of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon