1. With A Smile

58 6 3
                                    

Chapter 1 - With A Smile

Chapter 1 - With A Smile

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2 0 0 6

Pagkatapos ng klase, sa playground ng Casa Florenza Subdivision, doon sila nagkikita.

Hindi naman taga doon si Osang, pang mayaman lang yung area na yun. Pero pasaway siya eh, at doon nakatira ang nagiisa niyang kaibigan.

"Osang! Catch me if you can!!" sabi ng chubby na batang lalaki na mukhang naligo na sa pawis niya. "Teka lang naman Matteo!" ulat ni Osang, habang hinihingal na hinahabol ang kaibigan niya. Naka suot siya ng PE uniform at naka pigtails ang kanyang buhok. Kahit nag PE sila kanina sa school, mataas parin ang energy nila. Bata eh.
Silang dalawa lang ang nasa playground. Bihira lang kasi na lumabas ang mga bata sa Casa Florenza at hindi pinapayagan ang mga kids ng mga magulang nilang makipaglaro sa labas kasama ang ibang mga bata.

"Ano, time first?" asar ni Matteo. Tumigil siya sa pagtatakbo.
"Anong taympers? Ayan, taya ka na." Tinapik ni Osang si Matteo sa ilong.
"HAHAHAHAHA!" Nag halakhakan sila.

Ngunit may biglang lumapit sa kanila na tatlong matatangkad na batang lalaki, mga schoolmate nilang bully. Ngek. Panira ng moment.

"Macho tabatchoy!! Macho tabatchoy!!" Tinulak nila si Matteo at saktong nagland siya sa putik.

"Diba sinabi ko no pets allowed dito! Eh bakit ka nandito? Baboy! Bawal ka sa playground na 'to unless binigay mo sakin yung PSP mo! Diba yun ang usapan natin? Asan na?!"

Mukhang malapit na umiyak si Matteo, pero magaling siya magpigil ng luha. "No way!! Gift sakin ng Mommy ko yun!!" At dahil sa sagot niyang yun, tuluyan nilang pinahiran ng putik si Matteo at nagtawanan. Kawawa. Nagmukha na talaga siyang baboy. Ayun tuloy, naiyak na talaga siya.

"HOOOOOY!!!!!" Napalingon silang lahat sa tinis ng boses ng sumigaw. Ang sakit sa tenga! Sa wakas, isip ni Matteo, andiyan na ang superhero ko. Nakatayo sa bench si Osang, hawak ang water hose na pandilig ng halaman sa playground. "TIGILAN NIYO YAN! Tantanan niyo na si Matteo!! Kung 'di..." Binuksan ni Osang ang water hose at nagulat ang mga bully sa lakas ng tubig. "WOAH."

Ha! Akala niyo ah.

Isa isang lumayo ang mga bully kay Matteo. Tinry nilang iwasan si Osang pero magaling siyang mag-aim, kaya halos lahat ng bully natamaan na niya. "Baliw!" sigaw nung isang bully, drenched in water. "Tara, alis na tayo!!" tumakbo na sila sa pinanggalingan nila.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Magasin (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon