*****
He's always there. Sitting at the corner part of the coffee shop where I work.
Same table, same time. Ang huling mesa malapit sa glass wall, kada 6pm. Lagi lang siyang nakaupo doon, hinihigop ang inorder na kape at pagmamasdan ang isang silver locket na hugis puso.
I don't know kung ano ang nilalaman ng locket na iyon . Hindi ko rin alam kung bakit lagi niyang pinagmamasdan iyon sa tuwing pupunta siya rito.
"Ally" tawag ko sa kasamahan ko sa trabaho "Sino ba yung lalaking yun at bakit siya nandito lagi?"
"Wag ka ngang maingay diyan! baka marinig ka nun eh!"
"Hay, malayo naman tayo sa kanya eh. Ano? Kilala mo ba siya?"
"Hindi ko alam eh." sabi niya while wiping the washed cups "Hayaan mo na nga siya, para naman may inspirasyon akong magtrabaho"
I raised my eyebrows at what she said, at napahinto siya sa ginagawa
"Bakit ganyan kang makatingin? Di ka ba makapaniwala?" itinuloy niya ang pagpupunas "Ang gwapo kaya niya.."
I looked at the direction of the mysterious guy.
Oo nga.
May itsura naman yung tao - He has a dark brown hair na medyo messy, a fine-lined jaw na angkop na angkop sa pangangatawan niya. Matangkad siya na medyo may kaputian. He has a bit pointed nose, kissable lips at higit sa lahat, the one that mesmerized me the most ay ang mga mata niyang kumikislap, hazel brown in color at para bang nangungusap.
Pero mahahalata na sa likod ng mga magagandang mata na iyon ay isang di mawaring kalungkutan na kanyang nararamdaman...
"HOY HOY HOY LENY!" sabi ni Ally while tapping my shoulders "Wag mo ngang titigan yang si Bebs ko!"
"Bebs?" patawa kong sinabi "May call sign ka na rin sa kanya ah"
She smiled proudly "Oo naman. Baka maagawan pa ako ng iba noh! Sakin lang siya."
"Sira ka talaga" sabi ko na umiiling-iling "Sino nga yung lalaki na yun? Bakit ba lagi siya dito?"
"Ewan ko nga rin eh. Noong nagtrabaho ako diyo andyan na siya, pero di ko pa siya nalalapitan."
"Ha?!" pabigla kong sabi "Pati ikaw di mo parin siya nalalapitan?"
"Oo. Si Manong Roy lang nagseserve sa kanya eh."
"Bakit?"
"Ewan"
I sighed.
Halos araw-araw pagkauwi ko galing sa trabaho, lagi kong naiisip ang lalaking iyon. Hindi siya maalis sa isip ko kahit anong pilit kong gawin. Gusto kong malaman kung bakit siya malungkot. Gusto kong malaman kung bakit lagi nalang siyang nandun. At gusto ko talagang malaman kung ano ang nasa locket na iyon.
"Lapitan ko kaya siya." sabi ko isang araw kay Ally habang nagtitimpla ng Cappuccino.
"Gaga! Gusto mo yata na..." hindi niya itinuloy ang sinabi
"Gusto ko na?"
"Hmmm...wala.. Oo nga noh. Hindi naman tayo pinagbawalang lapitan siya eh. Bakit ba hindi tayo lumalapit?"
"Sabi ko sayo eh." I smiled "Tara lapit tayo"
"Ikaw munang mauna"
"Ha?! Bakit ako?"
"Ikaw nag aya eh"
"Aba! Ayoko nga!"
"Ee, ayoko na rin"
Natahimik kaming dalawa at nagtitigan ng masama. Pero sa huli ay natawa rin sa isa't isa.
"Wag na nga tayong lumapit sa kanya, baka umalis pa siya."
I sighed in disappointment "Sayang. Gusto ko kasi siyang tanungin eh. Kung sino siya, bakit siya nandito, anong laman ng locket na yun at kung bakit siya malungkot."
Natahimik kaming dalawa. Alam ko na iyon din ang mga tanong sa isipan niya. Alam ko na gusto ring niyang malaman kung sino ang misteryosong lalaking iyon.
"Good Morning!" Napaangat ang ulo ko nang makita ang dumating
"Manong Roy! Nandito na po pala kayo" bati ko sa kanya
"Nandun na po pala yung regular costumer ninyo" sabi ni Ally na tinutukoy yung lalaking iyon.
"Ahh." sabi ni Manong Roy "Salamat"
Pinagmasdan ko si Manong Roy habang papunta siya sa dulo ng Coffee Shop kung saan siya nakaupo. Pero di ko ineexpect ang gagawin niya.
Tumingin siya saakin.
Yung mysterious guy.
Bumilis ang tibok ng puso ko. We stared at each other for awhile. Ang mga mapupungay niyang mga mata na kumikislap kislap ay tumitig saakin.
Umiwas ako ng tingin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil lang sa pagtatagpo ng mga mata namin. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ba kapag nakasalubong ka ng stranger wala kang mararamdaman?
"Huy, ayos ka lang?" sabi ni Ally
"A-ah okay lang ako..."
"Sigurado ka?"
"Oo..."
"Sabi mo eh" Nagkibit balikat nalang siya.
Di talaga ako makapagconcentrate. Hindi ko malimutan yung pagtititigan namin kanina. Ewan ko pero tumatak na sa isip ko ang mukha niya.
"Leny" tawag ni Manong Roy saakin
"Po?"
"Ikaw munang bahala sa kanya, aalis muna ako saglit"
My forehead crumpled "Sino po?"
"Yun oh" tinuro niya si mysterious guy at umalis na.
Kinabahan ako.
Ako ang magsseserve ng coffee sa kanya.
Kay Mr. Mysterious.
My heart raced....

BINABASA MO ANG
The Locket (One Shot)
Short StoryA one-shot story about a coffee shop worker who is surprisingly related to a regular costumer...