Part 2

24 7 0
                                        

"LENY! Narinig mo yun?!"

"O-oo"

Tinignan niya ako na nagtataka "Oh, Bakit ka nagkakaganyan?"

"Ei, kasi.... kinakabahan ako eh. Pwedeng ikaw nalang? Please?"

"Hay naku! Kung pwede lang yun kakaripas na ako ng takbo papunta sa kanya. Pero Leny, sayo inutos yun ni Manong Roy eh. Kapag nalaman niya na ako ang gumawa dun sa trabaho mo, baka maalis pa ako sa trabaho"

"Eii... Ally..."

"AYT! Wag nang maarte. Ito" inabot niya saakin yung regular cup na iniinuman niya, tapos nilagyan niya ng kape "Ilapag mo yan sa mesa niya tapos itanong mo kung may kailangan siya. Tapos alis. Yun lang naman gagawin mo eh. Basta Leny.."

Napatingin ako sa kanya ar hinintay ang sasabihin niyang seryoso "Wag mong tsatsansingan si Bebs ko ah"

"Sira! Tumigil ka nga!"

Tumawa siya "Bakit ka ba kasi kinakabahan? Chance mo na kaya para malaman ang sagot sa mga tanong mo."

Oo nga. Chance ko nang malaman kung sino siya, at kung ano ang laman ng locket na yun.

Nagbuntong hininga ako. Kaya ko 'to.

Naglakad na ako papunta sa table niya. In each step na ginagawa ko, bumibilis ang heartbeat ko. Papalapit ako nang papalapit sa kanya, kasabay nang pagdissolve ng lahat ng tapang at confidence na meron ako.

Narating ko naman nang ligtas ang table niya. Nanginginig kong nilapag ang tasa niya ng kape.

I looked at him. Nakayuko siya, nakapatong ang ulo niya sa kamay niyang nakapatong rin sa lamesa. Para bang ayaw niya akong makita.

"May kailangan pa po ba kayo sir?"

Hindi siya sumagot.

"Sir?"

Hindi pa rin siya sumagot

I sighed "Kung may kailangan pa po kayo, tawagin niyo lang po kami"

Nagsimula akong maglakad paalis, pero hinawakan niya ang kamay ko.

I felt a surge of electricity flow throughout my body dahil sa ginawa niyang iyon. I felt numb, nanigas ang buong katawan ko pero bumilis ulit ang pagtibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga.

"B-bakit?" nauutal kong tanong sa kanya.

He sighed, and slowly slid his hand down my arm, letting me go. Dali-dali akong bumalik sa counter.

What is that feeling? Bakit ganun nalang ang nararamdaman ko sa kanya? Hindi ko siya kilala. Hindi ko kilala ang lalaking nakaupo sa table na yun na may hawak na locket. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ako makapag concentrate sa trabaho. Pumipintig ang ulo ko na para bang may tumutusok dito na karayom.

Sino ka ba? Bakit ka ba nalulungkot? Ano ba ang pinagmamasdan mo sa locket na iyan?

"Leny" muntik ko nang mahulog ang baso na hawak ko, pero buti nalang at nasalo ko ulit iyon

"Oy, Leny, ok ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo?"

Binukas ko yung bibig ko, pero sinara ko ulit dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Litong-lito talaga ako, hindi ko alam kung bakit.

"Leny?"

"A-ah, Ally, pwede bang ikaw muna dito? Sumama kasi ang pakiramdam ko eh" She worriedly looked at me, then nodded. Agad kong tinanggal ang apron na suot ko, hairnet, at kinuha ko ang bag ko at tumakbo palabas ng shop.

The Locket (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon